Chapter 30: Do you hear that lust?

10.7K 196 13
                                    

C H A P T E R - T H I R T Y

Matapos ang walang humpay na pagpupumiglas ko ay biglang huminto ang van.

Kinaladkad nila ako palabas. Kung kanina ay ang bibig ko lang ang tinakpan nila. Ngayon naman pati ang mga mata ko.

Shet na malagkit! Ang dilim! Ayoko sa dilim na ito. Sobrang nakakatakot. Feeling ko nilalamon ako ng dilim.

"Hmmmmmm!" Pagpupumiglas ko.

Ano bang kailangan nila sakin? My goodness gracious! Kung sa California ay malapit na akong marape at mapatay. Dito naman sa Pilipinas ay baka ma gang rape ako.

Diyos ko! Huwag po.

Guto kong i-reserve ang vcard ko sa taong mamahalin at aalagaan ko.

Ayoko pa pong makatikim ng langit na para bang may templang empyerno. Ayoko po.

Huwag niyo po sanang ipahintulot na gahasain nila ako at itapon ang katawan ko sa pasig river. Huwag po. Please.

"Ano pare? Dito na ba? Wala ng tao o. Hindi na nila makikita ang gagawin natin." Narinig kong sabi ng kung sinong lalaki sa tabi ko.

"Oo. Dito na lang. Kailangan mabilisan ha."

Oh. Diyos ko. Lord. My God. Saints of all saints.

NOOOOOOOO!

Habang sumisigaw ang utak ko ay bigla na lamang tumahimik ang buong lugar.

Naramdaman kong wala ng nakahawak sa akin ngayon at hindi na rin nakatali ang mga kamay ko.

Dali-dali kong tinanggal ang nakatakip sa mga mata ko.

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko nang makita kong nasa cliff ako.

Shet! Ang taas! Feeling ko nasusuka ako dahil sa sobrang taas ng kinalalagyan ko ngayon.

Wait...

Nasaan na yung mga halang ang kaluluwang nagdala sakin dito?

Nagpalingalinga ako sa paligid pero wala akong nakitang ni isang tao dito sa itaas. Bukod sa sarili ko. Ako lang ang nandito.

Bakit nila ako iniwan? Hindi ba sila interesado sa katawan ko? Hindi ba nila ako gagahasain? Hindi ba nila ako papatayin?

Shet na malagkit!

Thankyou Diyos ko. Lord. My God. Saints of all saints. Thankyou!

Nang manginig na ang tuhod ko dahil sa takot ay napagpasyahan ko ng bumaba sa cliff na pinagdalhan nila sakin.

Pero nang bababa na sana ako ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Biglang nanigas ang mga tuhod ko at hindi ako nakagalaw. Feeling ko biglang nag-explode ang universe sa mga oras na ito. Feeling ko ang daming bulalakaw sa langit. Feeling ko lahat ng feelings ay nasa akin na! Hindi ko maexplain kung ano ang nararamdaman ko.

Kaba. Takot. Pangungulilala. Sakit. Saya. At higit sa lahat, pagmamahal.

Nakatitig ako sa pinakamagandang matang nakita ko sa buong buhay ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taong pangungulila ko sa kanya ay nandito siya ngayon sa harapan ko. Nakatayo habang nakasandal siya sa sasakyan niya at nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa niya.

He still had that perfectly tousled hair, smooth and thick. I bet every girl would love to run their fingers through that hair. He wore a white button-down shirt, a black leather jacket, and a pair of fitted black jeans with matching black boots. And he was... he was smirking. That playful smirk that I always love about him.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now