Chapter 6: You're a damn fucking beautiful control freak!

11.3K 221 9
                                    

C H A P T E R - S I X

"Aray! Ano ba!" Sigaw ko kay Alexis na kasalukuyang nilalagyan ng bandage ang dalawang kamay ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama at ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. Kanina pa siya hindi nagsasalita. Nakakabinging katahimikan nga ang namayani sa amin kanina habang nagdadrive siya pabalik sa condo. Ano kayang problema ng isang to?

"Ahhh!" Bigla akong napasigaw dahil marahas niyang binitawan ang dalawang kamay ko. 

"Ano bang problema mo?!" Nababadtrip na ako sa kanya ha. 

"Matigas ba talaga yang ulo mo?" He raise his voice na para bang hirap na hirap na siyang itago ang galit niya. Siya pa ang may ganang magalit. Tsk!

"Ano sa tingin mo? Bakit? Saan ka ba nakakita ng ulong hindi matigas?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"You don't fucking understand me!" Sigaw niya sakin at nagulat ako nang bigla niyang itapon ang vase sa round glass table na nasa harapan ko. 

Bigla akong napatayo dahil sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang vase na nabasag sa harapan ko. 

"Yes! I really don't understand you Alexis! Alam mo ba na gustong gusto kong pumasok diyan sa puso mo para putulin ang ugat na nagiging dahilan para mabuhay ka? Alam mo bang nahihirapan na akong makisama sa isang katulad mo? Alam mo ba na ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha mo? You're such a monster! A fuc--" 

"Yes I am! I am a fucking monster! A jerk! An asshole! Call me whatever you want cause I don't give a damn! Do you understand? I don't give a damn!" 

Napanganga ako dahil sa lakas ng boses niya. Ngayon lang ako nakaencounter ng taong grabe kung magalit. Pero hindi ko naman alam kung ano ang dahilan ng temper niya.

"Ano bang kasalanan ko sayo?" Mahina kong tanong sa kanya habang pinipigilan ko ang luhang nagbabadyang lalabas galing sa mga mata ko.

"Hindi mo alam?" Sarkastiko niyang tanong sakin.

"Itatanong ko ba kung alam ko?" I shot him back.

He bite his lower lip then he smirk. "Napakalaki ng kasalanan mo sakin Celestine." Matigas niyang sabi sakin.

"Wala kang karapatang tawagin akong Celestine dahil ako si Aria, at hindi si Celestine." Sabi ko sa kanya. 

"Sa pagkakaalam ko, Aria Celestine Gomez ang buong pangalan mo. You better change your name kung ayaw mong tawagin kitang Celestine. At ito ang tandaan mo, tatawagin kita sa kahit na anong pangalan at wala kang karapatang sabihan ako nang kung ano ang dapat at kung ano ang hindi dapat." Matigas niyang sabi sakin. 

"Nakalimutan mo na ba na katulong lang kita?" Sabi niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko.

I bitemy lower lip para pigilan ang luha na nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Tama siya. Katulong lang ako dito. 

"Hindi ko naman nakakalimutan yon eh. Pero sana tandaan mo rin na tao lang din ako. Nasasaktan din ako, Alexis. Hindi ako bato. Hindi ako katulad mo." Tinalikuran ko siya at mabilis akong naglakad papasok sa kwarto, pero bago pa man ako makapasok ay bigla siyang nagsalita dahilan upang mapahinto ako.

"Leave me alone. Umuwi ka na sa inyo." Mahina niyang sabi sakin. 

Hindi ako humarap sa kanya. I swallowed hard.

"Kung pwede ko lang sanang gawin yon. Matagal ko nang ginawa. Pero hindi pwede eh. Mamamatay ang Daddy ko kapag pinabayaan kita. Makukulong din ako kapag umuwi ako sa Pilipinas." Alam kong hindi siya titigil hanggat hindi niya nalalaman ang katotohanan kung bakit nandito ako ngayon kasama siya.

"What?" Ramdam na ramdam ko ang gulat sa tono ng boses niya. 

Hinarap ko siya at nakita ko ang naguguluhan niyang mukha.

"What do you mean, makukulong ka? Bakit mamamatay ang Daddy mo?" Sunod sunod niyang tanong sakin. Ngayon ko lang nakita ang reaction niya. Biglang nawala ang galit na nararamdaman ko at parang gusto kong tumawa dahil sa epic na mukha niya. 

"Makukulong ako dahil may pinirmahan akong kontrata. Isang kontrata na nagsasaad na magiging tutor at katulong mo ako sa loob ng apat na taon. Kung uuwi ako sa Pilipinas at pababayaan kita dito, for sure, bilangguan ang bagsak ko. At mamamatay ang Daddy ko dahil--" I trailled off. Naalala ko na naman si Daddy. Kamusta na kaya siya?

"Dahil?" Tanong niya sakin halatang naghihintay sa isasagot ko.

"Dahil may sakit siya, at ang Daddy mo ang nagbabayad sa hospital at sa iba pang gastusin." Nasabi ko na ang lahat sa kanya. Lahat ng kailangan niyang malaman. 

"Fuck! This is bullshit! Ginamit ka lang ni Daddy!" Sigaw niya sakin. Bumabalik na naman ang temper niya.

Hindi ako sumagot at nagsimula na naman siyang magwala. 

"You're insane!" Sigaw niya sakin.

"What's the big deal? Ang swerte mo kaya. Ang swerte mo kasi may katulong ka. Ang swerte mo kasi may tutor ka. Ano pa bang pinuputok ng butse mo?" Naaasar kong tanong sa kanya. He's a big headache! 

Napailing siya dahil sa sinabi ko. "You're not going to control me." He said.

"I am." I raise my voice para marinig niya ng maigi. "I'm going to control you, Alexis. Hwag mong kakalimutan na may rules tayo dito." Pagpapaalala ko sa kanya.

"Fuck that god damn rules!" Sigaw niya sabay tapon sa libro na nasa round glass table.

"Stop cussing!" I yell at him.

"You're a fu--" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

"What?" I challenged him. 

"You're a..." Hindi niya parin maituloy ang sasabihin niya. 

Itinaas ko ang isang kilay ko at nakapamewang ako habang hinihintay ang sasabihin niya.

"You're..." Ngayon you're na lang talaga ang nasabi niya. 

"Ano?" Naiirita kong tanong sa kanya.

"You're a damn fucking beautiful control freak!" Sigaw niya sakin at dali dali siyang naglakad papasok sa kwarto. Malakas niyang isinara ang pintuan nito dahilan upang mapangiti ako.

You're a damn fucking beautiful control freak!

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Ayaw ko don sa damn, ayaw ko rin don sa fuck. Isa lang ang gusto ko sa linyang yon. Beautiful. At least, nagagandahan din pala siya sakin.

Napailing ako at sinimulan ko nang linisin ang kalat na ginawa ni Alexis. Ilang araw pa lang kami dito ay grabe na ang away na nangyayari sa amin. Ano pa kaya kapag tumagal na ako dito? Kailangan ko na talagang masanay. Kailangan kong itatak sa isipan ko na isa siyang Greek God na isinumpa ng langit. 

Pupulutin ko na sana ang librong itinapon ni Alexis kanina nang biglang nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko na muna kung sino ang nagtext.

Sir Alex Del Castillo. 

My god! Ang Daddy ni Alexis. Ano kayang kailangan niya? 

Dali dali kong binasa ang message niya. At sa di inaasahang pagkakataon ay bigla akong napaupo sa sahig.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora