Chapter 18: I trust in you.

8.2K 164 4
                                    

C H A P T E R - E I G H T E E N

Kumakain ako ngayon sa canteen pero lumilipad ang utak ko.

Iniisip ko parin ang sinabi nong dalawang babae kanina. Iniisip ko kung paano ko makikilala ang mga magulang ni Jared, kung mismong anak nila ay di ko kilala.

Nakakatawa mang isipin pero porsigido akong mahanap ang pamilya niya. Kailangan ko silang mahanap bago may masamang mangyari kay Alexis.

At kapag nahanap mo na sila, ano ang sasabihin mo sa kanila? Sabi ng mumunting boses sa utak ko.

Saka ko na iisipin kung ano ang sasabihin ko. Ang importante ay makita at makilala ko sila. Kailangan ko silang hanapin. By hook or by crook. Kailangan kong iligtas si Alexis sa gulong pinasukan niya.

"Aria!"

I snapped out of my thoughts nang biglang may tumawag sakin. Nakita ko si Candy na nakangiti palapit sa table ko.

"Kamusta?" Sabi niya sabay upo sa harapan ko.

"Medyo okay. Medyo hindi." Napatawa siya dahil sa sagot ko.

"Bakit naman? Boylet ba?" Mausyosong tanong niya.

"Boylet my foot! Hindi no." Medyo defensive kong sagot.

"O, e, ano? Huwag mong sabihing tibo ka?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano ba! Kung wala kang ibang masabi pwede manahimik ka na lang?" Sita ko sa kanya at bigla naman siyang ngumiti.

"Sorry na. Tao lang. Kala ko crush mo'ko e." Natatawang sabi niya.

"Ewwwww!" Nandidiring sagot ko at sabay kaming napatawa.

"Sa'n pala si Cristy? Ba't di mo kasama?" Naghiwalay yata sila ng best friend niya.

"May klase." Sabi niya sabay tayo. "Wait sis, order muna ako ha. Gutom na ako e." Paalam niya at tumango ako sabay ngiti sa kanya.

Bumalik na ako sa pagkain at bumalik din sa isipan ko si Jared. Anong klaseng tao kaya siya? Masama din kaya siya? Pumapatay din kaya siya?

I heave a deep sigh at napapikit ako. God! I'm so desperate right now! I'm so desperate to find the family of that so-called Jared. I want to know kung anong klaseng tao siya para patayin siya ni Alexis.

"Hoy!"

Bigla akong napadilat dahil sa lakas ng boses ni Candy.

"Masamang mag-imagine nang malalaswang gawain kapag nasa harapan ng pagkain!"

Aba, rhyme yun ah! Napatawa nalang ako at napailing. Nahuli pa tuloy ako ni Candy The Stalker.

Speaking of stalker. 

Nasa harapan ko lang pala ang sagot sa lahat ng tanong ko.

"Ahm, Candy." Pagsisimula ko.

"Hmm." Sagot niya habang nginunguya ang burger na hawak-hawak niya.

"Kilala mo ba si Jare--" di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang ilagay sa bibig ko ang burger na kinakain niya.

Nakakatawa ang hitsura ko ngayon. Promise!

Nasa bibig ko ang buong burger na hinahawakan niya kanina. Aghh!

Kinuha ko ang burger at tiningnan ko siya ng masama.

Pilit siyang ngumiti at nagpeace sign. "Hehe. Sorry sis."

"Ano ba! Nagtatanong lang naman ako tungkol kay--" di ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil  tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now