Chapter 19: The Clash of Trojan Knights and Delta Zi

8.4K 168 8
                                    

C H A P T E R - N I N E T E E N

Habang nasa byahe kami ay tahimik lamang si Candy habang nagmamaneho. Diretso siyang nakatingin sa daan at paminsan-minsan naman ay sumusulyap siya sakin. At kung nagkakatagpo man ang mga tingin namin ay nginingitian niya ako. Pero alam ko na pilit lamang ang ngiting ibinibigay niya.

Di ko alam kung ano ang tamang words para i-describe ang kilos niya ngayon. Para kasi siyang natatae na di ko alam. Para siyang inaatake ng nerbyus. Parang isang ihip lang ng hangin ay mahimatay na siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiti. "Oo naman."

She lied. Alam kong di siya okay. Anong nangyayari sa kanya?

"Candy sinong kasama mo sa bahay?" Gusto kong malaman ang kaunting details ng buhay niya kasi magkaibigan kami. Silang dalawa ni Cristy ang unang naging kaibigan ko sa CFSAA.

"Kasama ko ang kuya ko. Pero palagi siyang wala kasi nagtatrabaho siya." She simply said without looking at me. "Ikaw? Sino'ng kasama mo?"

I swallowed hard. Sasabihin ko ba sa kanya na si Alexis ang kasama ko sa bahay? Parang mas lalo akong mahihirapang kumilos nito kung sasabihin ko sa kanya na kilala ko si Alexis.

"Alaga ko." Hindi ako nagsinungaling sa kanya. Dahil totoo naman talagang alaga ko si Alexis.

Napatingin siya sakin at napataas ang isang kilay niya. "Don't tell me..." hindi niya tinapos ang sasabihin niya at syempre na gets ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

I nod. "Tama ka. Maid at tutor ako ng isa sa pinakasutil na tao sa buong mundo!" Napairap ako at bigla kong naisip si Alexis at bigla na lamang akong napangiti.

"Maid at tutor lang ba talaga?" Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

Napailing ako. "Aba'y oo naman! Bawal yatang humalik ang lupa sa langit no." Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ko.

"Whoooo! Ang lalim!" Sigaw ni Candy at napatawa naman ako.

"May tanong ako." Sabi ko.

"Ano yun?"

"Sa'n tayo pupunta?" Kanina pa kasi kami nasa byahe. May isang oras na yata akong nakaupo dito sa front seat ng Audi A3 niya.

Napatawa na naman siya at iniliko niya ang sasakyan at dahan-dahan niya itong pinark. "We're here."

"Agad-agad?" Katatanong ko lang kanina kung sa'n kami pupunta tapos nandito na pala kami.

"Girl, di pa ba sumasakit yang puwet mo kakaupo sa Audi ko? 1 hour kaya tayong nasa byahe." Sabi niya sabay release sa seatbelt niya.

Sabay kaming lumabas sa sasakyan at paglabas ko ay namangha ako sa nakita ko.

"WOW!" Pabulong na sabi ko sa sarili ko. Wow as in Wow with the capital W!

Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang antique na mansion. Shet na malagkit! Sa dyaryo ko lang ito nakikita noon. Pero ngayon. Nasa harapan ko na!

"Come. I'll show you who Jared Zi is." Candy said and she held my hand.

Jared Zi?

Yun yung buong pangalan niya? Zi? As in Delta Zi?

Napalunok ako sa impormasyong nasagap ko. Pangalan pa lang niya ay halatang maimpluwensiya na. Ano pa kaya kapag nalibot ko na ang buong mansion nila?

Pagkapasok namin sa mansion ay mas lalo akong namangha. Para akong nasa bahay ni Gatsby. Feeling ko tuloy ako si Daisy! Shet! Kinikilig ako.

Napangiti ako sa mga kalokohang pumapasok sa isipan ko habang nakasunod kay Candy.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ