Chapter 14: Leave her the fuck alone because she's mine!

9.2K 195 11
                                    

C H A P T E R - F O U R T E E N

* 12:30nn. Lunchtime (canteen) *

Habang nginunguya ko ang steak na inorder ko ay hindi ko parin maiwaglit sa isipan ko kung tama ba yung narinig ko kanina. Baka nagkamali lang ako sa nakita ko kanina. Baka iba yung itinuro niya, o baka naman yung katabi ni Alexis ang tinutukoy niya.

"Tama! Nagkamali lang ako!" Sabi ko sa sarili ko habang ngumunguya.

Alam kong masama ang ugali ni Alexis peo di naman siguro siya ganon kasama no. Alam kong di siya papatay ng tao para lang maging pinuno sa isang walang kwentang samahan na ngayon niya lang nakilala.

Napaka-imoral naman yata non. Sino bang tao ang papatay ng kapwa niya para lamang makuha ang mataas na rank? Ano to? Politika? Tsss.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Buburahin ko na sana sa isipan ko ang lahat ng sinabi ng dalawang stalkers na yun pero may biglang nahagip ang mga mata ko. At bago pa man ako makaiwas ay palapit na sila sakin.

"Kung minamalas ka nga naman." I whispered to my self at yumuko ako.

"Hey! You! Pilipina na parang Koreana!" Sabay nilang tawag sakin pero di ko sila pinansin.

Nagkunwari akong di ko sila narinig at pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Pero laking gulat ko nang makita kong sabay silang umupo sa harapan ko. And take note, with poise pa silang umupo ha! Kaloka.

"You!"

Bigla kong iniangat ang ulo ko dahil sa lakas ng boses nilang dalawa. Itinuro nila ako at ang lahat ng attensyon ng mga kumakain ay napunta sakin.

Talk about luck!

Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano bang kailangan niyo?" Naiirita kong tanong sa kanila. Kung maka'you' tong dalawang to parang sino! Sarap isubsob sa batuhan ang mukha!

"How dare you leave us alone kanina?" Maarteng tanong ni ms.butterfly. Siya na nga si ms.butterly dahil may butterfly sa ulo niya e. Ang laki nga e. Kung maka-headband naman kasi si inday wagas! Mahina akong napatawa dahil sa iniisip ko.

"Aba! Kami ba'ng pinagtatawanan mo?" Matapang na tanong ni ms.morena. Oo, siya na rin si ms.morena. Wala akong ibang maisip na ipangalan sa kanilang dalawa e.

Matanong na nga lang kung ano ang pangalan ng mga babae-- i mean, mga batang to.

"Bakit? Sino ba kayo?"

"Ayan! Marunong ka naman palang magsalita ng maayos e. Ako pala si Cristy." Sabi nong morena. Ayan, may pangalan na siya.

Nagulat ako nong ngumiti siya at inabot ang kamay niya, kaya nakipagshake hands narin ako sa kanya. Tapos inabot naman ni ms.butterfly ang kamay niya.

"And I'm your lovely Candy." And then she winked.

Napangiti ako at nakipagshake hands narin ako sa kanya.

Akala ko mga bitches sila. Pero akala ko lang pala. Hayy, maling akala nga naman.

"And who are you?" They said in unison. Bakit kaya ang hilig hilig nila sa sabayang pagbigkas?

"Just call me Aria." Nginitian ko sila at nginitian naman nila ako.

"Pwede ka ba naming maging friendship?" And again, sabay na naman sila. Sino kayang nanay ng dalawang to?

"Teka nga, kambal ba kayo? Bakit ang hilig niyo yata sa sabayang pagbigkas?"

Bumunghalit sila ng tawa at napasabay narin ako sa kanila. Di naman daw sila kambal, pero magbest friends daw sila simula nong pinanganak sila. Akalain mo yun? May ganon pala?

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن