Chapter 12: Papatayin at ililibing natin siyang buhay sa paaralang to.

10K 196 12
                                    

C H A P T E R - T W E L V E

"Ano? Papasok ka ba o hindi?" Nakamulagat niyang tanong sakin.

"Teka lang, di pa tapos ang buhok ko." Pinapakulot ko kasi ang dulo ng buhok ko habang nakatayo siya sa pintuan ng kwarto. Tiningnan ko ang orasan, it's 6:30 am. Di naman siguro ako duling diba? "Aba, ba't ang aga mo yata ngayon, ha? FYI lang mister, alas otso pa po magsisimula ang klase nating dalawa."

"Bakit mo ba pinapakulot yang dulo ng buhok mo, e, dati pa namang kulot yang buhok mo sa ibaba."

My eyes widened with what he said and my jaw dropped.

"Anong--"

"Alis na ako. Maghanap ka na lang ng masasakyan mo." Tinalikuran na niya ako at umalis na siya.

Wait, what?

"Alexis! Hintay!" Oh no. No way. No freaking way! Baka maligaw ako at matuloy pa ang walangyang panggagahasa sakin! My god!

Hindi ko na tinapos ang pag-aayos sa buhok ko at kinuha ko na ang backpack ko. Hinabol ko siya hanggang sa makasakay siya sa elevator. At syempre, si wonderwoman ata to. Naabutan ko siya.

Hingal na hingal ako nang makapasok ako sa elevator. Pinindot niya ang floor kung saan nakapark ang sasakyan namin, ay sasakyan niya lang pala. Kung maka'namin' naman ako parang parte ako sa pamilya nila no? Kapal.

Walang kibuang naganap hanggang sa makarating kami sa parking lot at pagbukas na pagbukas ng elevator ay mabilis pa sa alaskwatrong naglakad ang loko. At ako? Syempre, naiwan na naman ako. Kaya habulan ang peg namin ngayon.

Pagkasakay na pagkasakay ko ay magsasalita pa sana ako pero di na ako nakareact ng bigla niyang pinaharurut ang sasakyan.

On our way, nobody spoke. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana pero paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa katabi ko. Takang-taka talaga ako sa inaakto ng lalaking to. Alam ko namang morning person siya. Pero sobra naman ang pagka-morning person niya ngayon. Pati kilay ko naiistress sa inaasal niya. Lunes na lunes at kababalik ko lang sa school pero stress na kaagad ang beauty ko. Tsk.

"Stop staring." He said without smiling at saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.

"Ala, hindi ah! Feeler mo." I shot him back.

"At least gwapo."

"Ano?"

"Ganyan ka ba talaga? Kailan ka pa nabingi?" Saglit itong sumulyap sakin bago muling binaling ang attensyon sa daan.

"You dope! I'm not deaf!" Sigaw ko sa kanya.

"Tss." Umiling-iling pa ito.

"Aba't!" Somosobra na tong taong to ha! Pigilan niyo ako't sasapakin ko to!

"Alam ko namang may HD kay sakin eh." Tumingin siya sakin at ngumiti ng nakakaloko at ang ikinagulat ko ay bigla niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya.

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

"Ano? Anong HD? Anong pinagsasabi mo?" Anong HD, HD na yan ang pinagsasabi ng mokong nato?

"Hahahahaha. Daming tawa ko sayo! Mga lima. May pa inosente epek ka pa. Di naman bagay sayo."

"Aba't--" hindi ko paman natatapos ang sasabihin ko ay inunahan na niya ako.

"HD, Hidden Desire." Bigla akong napaubo dahil sa sinabi niya and then he glanced at me and smirked, showing his dimpled cheek.

And for the second time around, my eyes widened. At tila bumilis ang tibok ng puso ko sa ngiti nito kahit pa sabihing ngiting-aso. Jusko! Help! Kahit saang anggulo, gwapo talaga ang loko. Kahit ano pang gawin ko. Attractive talaga ang mokong. Pero di bale na, di ako magpapadala sa hotness na dala niya.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon