Chapter 22: Dear temptations. Please. Go away!

8.6K 175 8
                                    

C H A P T E R - T W E N T Y T W O

Hindi ako makatulog. Hindi ko kayang matulog. Ang dami kong iniisip. Una sa lahat, si Alexis. Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit gusto niya akong agawin kay Craig, e, hindi ko naman boyfriend si Craig. Kinakarer na talaga niya ang pagiging mang-aagaw niya no? Hindi niya ba alam na single ako? Matagal na kaming wala ni Craig. Sa katunayan nga niyan, e, baka nagkabalikan pa kami kanina kung di niya lang inagaw yung halik ko na para kay Craig sana.

Speaking of Craig. Isa din siya sa nagpapagulo sa isipan ko. Alam kong mahal ko parin siya. Kapag nandiyan siya ay lumalambot ang puso ko. Pero kapag si Alexis naman ang kasama ko ay bumibilis ang tibok nito.

"Aghh!" Napakamot ako sa ulo ko at napabuntong hininga. Tapos ginugulo din ni Candy ang isipan ko. Paano ko ba hahanapin ang pumatay kay Jared kung ang pinaghihinalaan ko ay si Alexis mismo? Paano ko ba tatanungin si Alexis kung siya ba ang pumatay kay Jared, e, ni hindi ko nga alam kung kilala niya ba yung Jared na yun.

Ahhhh! Gulong gulo na ang buhay ko! Gulong gulo na ang utak ko! Ang daming lumot! Ang daming virus!

Sana pwedeng mainstallan ng anti virus ang utak natin, para naman pwede nating madelete ang lahat ng virus na gumugulo sa utak natin. 

Kinuha ko ang unan sa gilid ko at itinakip ko ito sa mukha ko. It smells like Alexis. Eto pala yung ginagamit niyang unan don sa couch.

Niyakap ko ito at saka ko inilabas ang bigat ng nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

--

Isang oras lang ang tulog ko. Half awake pa ako nun sa kakaisip sa kanilang tatlo.

Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko silang tatlo. Sobrang nahihirapan na ako. Kailangan ko ng i-charge ang battery ng life ko. Kailangan ko munang i-refresh ang utak ko bago ko harapin ang lahat ng problema ko.

And speaking of refresh. Now's the right time to refresh!

"Good morning fridayyyyyyy!" Sigaw ko sabay bangon sa kama.

Go away bad vibes! I need to refresh my mind and soul!

Ngumingiti ako habang pasayaw-sayaw na pumunta sa banyo. It's 5am. Bumangon ako ng maaga para mawala lahat ng bad vibes sa katawan ko. Di rin naman ako makatulog ng maayos kaya napagpasyahan kong maligo na lang at maghanda ng pagkain.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na muna ako ng pambahay. 8am pa kasi ang start ng klase namin ni Alexis. Para di ako madumihan habang nagluluto ako ay nagpambahay muna ako. Nakashort at sleveless na puti lang ako.

At bago ko sinimulan ang pagluluto ay kinuha ko ang earphone at cellphone sa bag ko. Naghanap ako ng kantang pampawala ng stress. Hanggang sa nakita ko ang kantang paborito ng mommy ko. Isinuksok ko ang earphone sa taenga ko and I press the play button.

Sinimulan ko na ang pagluluto ng ulam kasabay ng tugtog. Sinasabayan ko naman ang Boyzone sa pagkanta.

Boy when you hold me
How you control me
You bend and you fold me
Any way you please
It must be easy for you
To love the things that you do
But just a pastime for you
I could never be

Napasayaw-sayaw ako habang niluluto ang ham. Tunay ngang nagpapawala ng stress ang pagkanta. Lalo na't sinasabayan mo ito ng sayaw.

And I never know, boy
If I should stay or go
Coz the games that you play
Keep driving me away...

Nang maluto na ang ham ay isinunod ko kaagad ang apat na itlog kasabay ang pakimbot-kimbot na puwet ko.

Don't love me for fun, boy
Let me be the one, boy
Love Me For a Reason
Let the reason be love
Don't love me for fun, boy
Let me be the one, boy
Love Me For a Reason
Let the reason be love

Pagkatapos kong lutuin ang itlog ay hinain ko na ito at inilagay ko sa lamesa. Sinunod ko naman sa paghain ang ham.

Kisses and caresses
Are only minor tests, babe
Of love turned to stresses
Between a woman and a man
So if love everlasting
Isn't what you're asking
I'll have to pass, boy
I'm proud to take a stand

Tapos naglagay ako ng dalawang plato sa lamesa at dalawang baso.

I can't continue guessing
Because it's only messing
With my pride, and my mind
So write down this time to time

Nang maluto na ang kanin ay hinain ko ito kasabay ng pagsayaw at pagkanta ko.

Don't love me for fun, boy
Let me be the one, boy
Love Me For a Reason
Let the reason be love
Don't love me for fun, boy
Let me be the one, boy
Love Me For a Reason
Let the reason be love

Matapos ko itong hainin ay ilalagay ko na sana ito sa mesa pero napahigpit ang paghawak ko sa plato nang makita ko ang nakangising mukha ni Alexis sa harapan ko. 

Nakatayo siya sa harapan ko habang nakatuwalya lamang. Basa ang buhok niya. Kitang kita ko ang tubig na dumadaloy sa matipuno niyang biceps na dumadaloy papunta sa abs niya. Nang mapunta ang mga mata ko sa 6 pack niya ay napalunok ako. Hanggang sa mapunta ang mga mata ko sa V-line niya. Oh shet! Kill me now! He's so damn hot-sexy-gorgeous-incredible man!

I blinked. Not twice. But thrice. And I swallowed as hard as I can.

Oh shet! He saw me!

Oh God! Hatiin mo ang lupa at ipalamon mo na ako. Ngayon din!

"That was nice."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"You can dance." He said with his oh-so-sexy-husky-morning-voice.

"But I can teach you more better than that." He added and winked at me.

Oh God! This is soooo much! I can't handle this anymore!

"M-magbihis ka nga!" Nauutal na tuloy ako dahil sa katawan mo!

Dali-dali kong inilagay ang hawak-hawak kong plato na may lamang kanin sa mesa.

"Akala ko ba gusto mo akong nakaganito lang?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"WHAT?" Pasigaw na sabi ko at humalakhak siya.

WOW! What a morning!

Breaking news: Mr.Alexis Del Castillo. The Famous Girlfriend Stealer is laughing right now! Congratulations!

Ito yata ang kauna-unahang umagang humalakhak siya.

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng pandesal? Try mong tikman. Masarap to. Di ka magsisisi." He said at tumalikod na siya at pumasok siya sa kwarto na nakahalakhak.

I gasped. Speechless ako. Grabe. Ang init init ng pisngi ko.

"Hoooo!" Pasigaw na buntong hininga ko.

Dear temptations. Please. Go away!

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon