Chapter 9: It's not your first kiss. It's our second kiss.

10.7K 217 13
                                    

C H A P T E R - N I N E

You're emotionally ill, Ms.Gomez.

Pabaling-baling ako sa kama habang iniisip ko ang sinabi niya kanina. Bakit niya kaya nasabi yun? Alam ko namang alam niya ang kalagayan ng daddy ko pero hindi ko naman hiniling na kaawaan niya ako.

Ipinikit ko na ang mga mata ko hoping na sana ay makalimutan ko na ang sinabi niya at makatulog na ako. Pero pagpikit ko ay nakita ko ang mukha ni Alexis kaya naman ay naisipan kong bumangon.

I heave a deep sigh. "Paano pa ba ako makakatulog nito kung ginugulo niya ang isipan ko?" Sabi ko sa sarili ko at bumalik ulit ako sa pagkakahiga.

Sinubukan kong ipikit ulit ang mga mata ko pero ganun parin. Mukha parin ni Alexis ang nakikita ko.

Hindi ko na natiis at bumangon na talaga ako. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at pumunta ako sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa reef at dali dali kong linunok ang tubig na nasa baso.

Pagkatapos kong inumin ang malamig na tubig ay napangiti ako. "Baliw ka talaga, Aria." Sabi ko sa sarili ko. Bakit ko nga ba iisipin ang sinabi niya kung ang lahat ng lumalabas sa bibig niya ay pawang kasinungalingan lamang.

Ibinalik ko na ang basong pinag-inuman ko sa lalagyan nito at dahan dahan akong naglakad pabalik sa kwarto hoping na sana ay hindi siya magising. Pero bago pa man ako makabalik sa kwarto ay bigla akong natigilan ng may marinig akong kumakanta.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa terrace ng bahay at nakita ko si Alexis na nakaupo sa sofang nasa terrace. Oo, pati terrace niya ay may malaking sofa. Senyorito nga kasi siya diba? Nakita kong may dala dala siyang gitara at pinapatugtog niya ito.

When I was younger I was certain
That I'd be fine without a queen
Just a king inside his castle
With an ocean in between
Now all I do is sit
And count the miles from you to me
Oh, calamity

Napanganga ako dahil sa hindi ko inakalang ang ganda pala ng boses niya. Lalapitan ko sana siya pero para akong naging bato nang may maalala ako dahil sa kinanta niya.

"Hey, Ms.Aria Celestine Gomez! Gusto kong malaman mo na ikaw lang ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Mahal na mahal kita, Aria. To infinity and beyond!" Pasigaw niyang sabi sakin sa harap ng maraming tao kasabay naman non ang hiyawan ng mga estudyanteng nanunuod sa amin ngayon.

Nagulat ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko inakala na ang isang Craig Santos ay maiinlove sa isang ordinaryong katulad ko. Ni sa panaginip ay hindi ko ito inakala. Akala ko hanggang pangarap ko lang si Craig. Pero heto siya. Pinagsisigawan niya sa buong mundo na mahal na mahal niya ako.

Nakatayo siya sa stage kasama ang mga kabanda niya. Nagulat ako nang bigla silang tumugtog at mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid ko.

"This is for you, Ms.Aria Celestine Gomez. Happy 3 years anniversary, baby. I love you so much." Kasabay ng pagkanta niya ang pagtulo ng luha ko.

When I was younger I was certain
That I'd be fine without a queen
Just a king inside his castle
With an ocean in between
Now all I do is sit
And count the miles from you to me
Oh, calamity

"I love you too, Craig." I whispered to my self.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak ako habang nakikinig sa pagkanta ni Alexis. Bakit ba lahat na lang ng gawin niya ay nagpapaalala sakin kay Craig? Though hindi sila magkapareho ng ugali pero lahat ng ginagawa ni Alexis ay nasasaktan ako. Hindi dahil sa masama ang ginagawa niya, kundi dahil sa naaalala ko si Craig sa kanya.

It's such a shame that we play strangers
No act to change what we've become
Damn, it's such a shame that we've built a wreck out of me
Oh, calamity-- "Aria?"I snapped out of my thoughts nang bigla niya akong tawagin. Dali dali akong  tumalikod at pinahid ang luha ko. Letseng luha naman to oh. Bad timing!

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sakin.

"Ah, ha? Ano... nauuhaw lang ako kaya uminom ako ng tubig." Sagot ko habang nakatalikod parin ako sa kanya.

"Bakit ka nakatalikod?" I swallowed hard. Dyosmiyo naman Alexis oh! Kung makatanong ka naman kasi eh!

"Ah... eh... kasi... ano..." Ano ba? Naku po! Wala akong maisip!

Nataranta ako ng marinig ko ang yapak ng paa niya papalapit sakin.

"Ah, ano... Alexis--" bigla ko siyang nilingon at hindi ko enexpect na sa paglingon ko ay magbabago ang buong buhay ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang naglapat ang labi naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at kitang kita ko rin ang gulat sa mukha niya.

I swallowed hard at lalayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang waist ko.

What the hell? Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o itutulak ko ba siya pero nagulat ako nang bigla niyang iginalaw ang labi niya.

Oh my freaking gosh!

Bakit hindi ako makagalaw? Bakit feeling ko bigla akong naging statwa dahil sa ginawa niya. My heart was hammering, and there was a rushing sound in my ears, like beating wings. Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa gulat at nakita kong nakapikit siya.

Nakapikit siya?

For heaven's sake! Anong ginagawa niya?

Bigla akong napaatras ng ilayo niya ang mukha niya sakin.

"A-ano yun?" Tanong ko sa kanya dahil naninibago ako sa ganitong feeling. Hindi ko alam kung paano yun nangyari pero ang tanging alam ko lang ay biglang gumulo ang isipan ko.

"A kiss." Napatingin ako sa kanya at nakita ko na parang wala lang sa kanya ang nangyari.

"A kiss?" I asked habang shock na shock parin ako dahil sa ginawa niya.

"Yes." Naglakad siya papunta sa loob ng condo. "A simple kiss." Biglang uminit ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

"A simple kiss?" Gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niya. Anong tingin niya sakin? Isang babaeng pwedeng halikan kahit kailan niya gusto? What the!

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Gusto mo bang sabihin ko na nagsisisi ako kung bakit hinalikan kita, kasi akala ko na marunong kang humalik pero ang totoo eh loser ka pala. Gusto mo bang sabihin ko na para kang tuod habang hinahalikan kita? Gusto mo bang ipamukha ko sayo na--"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko siyang nasampal sa kaliwang pisngi niya.

"Sana inisip mo rin ang dignidad ko, Alexis." Biglang may lumabas na luha sa mga mata ko. "Kung simpleng halik lang yun para sayo, pwes isang malaking sampal para sakin yun. Dahil hindi ko inakala na ang makakakuha ng first kiss ko ay isa palang demonyo." Dali dali kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko at mabilis na naglakad patungong kwarto. Pero bago pa man ako makapasok sa kwarto ay bigla siyang nagsalita dahilan upang mapahinto ako.

"I'm sorry."

Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

Si Alexis Del Castillo ay nag sorry sa isang babaeng katulad ko? Really? Totoo ba yung narinig ko? Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang magsalita.

"It's not your first kiss." Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anong--"

"It's our second kiss." He cut me off at feeling ko biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa sinabi niya.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now