Chapter 3: Your body is the worst body that I've ever seen.

15.1K 240 12
                                    

C H A P T E R - T H R E E

Para akong naging bato sa kinahihigaan ko at hindi ako makagalaw. Ni isang pitik ng pilikmata ko ay hindi ko maramdaman. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig ako sa nakapikit nyang mga mata. Bigla kong naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko. Anong nangyayari? Bakit para akong naparalyze? Ganito ba talaga ang feeling ng first kiss? Wait…

Did I just say, first kiss? Oh my god!

Bigla ko siyang naitulak ng malakas dahilan upang mapahiga siya sa sahig at dali dali akong tumayo. Nakita kong nakadapa siya sa sahig with his face facing on the floor.

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Alam mo bang kasalanan sa mata ng Diyos ang manghalik ng hindi mo kakilala? Alam mo ba na pwede kitang ipakulong dahil sa kabastusan mo? Ang bastos mo!" Dirediretso kong sabi sa kanya at isinigaw ko ang pinakahulihulihang sentence na sinabi ko. Pero kahit gaano pa kalakas ang pagsigaw ko ay hindi man lang siya gumalaw kahit konti.

"Hoy! Nakikinig ka ba sakin?! Ang sabi ko, ang bastos mo! Ang bastos bastos mo! Wala kang modo!" Malakas kong sigaw sa kanya at feeling ko mapuputol na yata ang ugat sa leeg ko kapag hindi pa ako tumigil sa kasisigaw. 

Anong nangyayari sa kanya? Bakit hindi man lang siya nagreact kahit kunti? Hindi ba nya ako narinig? Imposible naman yata yon halos mapaos na nga ako sa kasisigaw dito. Di kaya nagbibingingihan lang siya? O sadyang bingi lang talaga siya? Ang daming pumapasok sa isipan ko kung bakit hindi man lang nya ako napansin, but then may bigla akong naalala.

You're going to leave me, whether you like it or not. 

Napailing ako dahil sa sinabi nya sakin kanina. Dahan dahan ko siyang nilapitan at tinitigan ko ang fully developed na biceps nya. I sigh habang tinitingnan ko ang kabuuan nya.

"Perpekto ka na sana, pero sadyang may kulang lang talaga sayo." I whispered. 

Hindi ko alam kung ilang minuto kong tinitigan ang kabuuan nya kahit nakadapa siya sa sahig habang natutulog. I just can't help my self from staring at him habang tahimik na natutulog. Kung ganyan kaya siya katahimik no? Siguro hindi ako mahihirapang bantayan ang gagong ito. Pero nandito na to, kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Mailigtas ko lang ang pamilya ko. 

Lumipas pa ang ilang minutong sinayang ko katititig lang sa kabuuan nya. Hindi ko siya pinagpapantasyahan kung yon ang iniisip nyo. I'm just wondering kung bakit siya nagkakaganito. Diba sabi nila, na kapag jerk daw ang isang tao ay may tinatago itong masakit na nakaraan? Hwag mong sabihing pati si Alexis ay may hidden painful past din? Ang cliché naman yata non. Napailing ako sa mga nakakalokang nabubuo ng utak ko at napagdesisyonan kong lumabas nalang ng kwarto. Bahala siyang mag-ayos sa sarili nya. Katulong at tutor nya nga ako, pero may limitasyon din ang pagsisilbi ko sa kanya. At ang limitasyong iyon ay ang hwag umabot sa punto na mahawakan ko ni katiting ang katawan nya. Hinding hindi ako papayag na mangyari sakin yon. 

Pagkatapos ng feeling ko nakakapagod na araw sa buong buhay ko ay napagdesisyonan kong matulog nalang sa couch. Okay na ako dito, at least malayo ako sa kanya. Kumuha na lang ako ng unan at kumot. Tiningnan ko ang orasang nakasabit sa dingding, it's already past midnight. Kailangan ko ng matulog, may kailangan akong gawin bukas--hindi lang pala ako, kaming dalawa pala ni Alexis. First day kasi ng pasukan namin bukas. College na ako. Sa wakas, makakamit ko narin ang mga pangarap ko kapag nakagraduate ako. 

"Fuck!" 

Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa pinakamalakas na murang narinig ko sa buong buhay ko. Napapikit ako at napahawak sa noo ko. Feeling ko pasan pasan ko ang buong daigdig dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Di kasi ako sanay na kulang ang tulog ko. Pero siguro kailangan ko ng masanay lalo na't kasama ko ang isang taong mahilig magmura. Nice! 

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon