Chapter 25: MEN! NOW!

8.1K 169 16
                                    

C H A P T E R - T W E N T Y F I V E

"Ano bang kailangan mo sa amin Del Castillo? Bakit mo ba kami ginugulo?" Galit na tanong ni Craig kay Alexis.

Nakatago parin ako sa likuran ng mga kahon ngayon. Sana lang talaga walang nakakita sakin nong sinundan ko si Alexis. Dahil kung meron man. Siguradong thankyou na lang sa buhay ko pag nagkataon.

"Bakit di mo tanungin ang mga tauhan mo?" Matapang na sagot ni Alexis.

Wala siyang dalang armas. Pero ang mga kalaban niya ay may dalang mga batuta. Patay na talaga ako nito pag nagkataon. Kailangan kong iligtas si Alexis. Pero ano namang laban ko sa mga tubong dala-dala nila?

"Nandito ka narin lang, bakit di ikaw ang magtanong sa kanila? Nakakaintindi naman sila ng tagalog e. Di sila mga shunga, tulad mo."

Napalunok ako sa sinabi ni Craig. Bwisit kang Craig ka! Buti na lang talaga at di ako nagpadala sa mga drama mo! Mapapatay talaga kita! Isusumbong kita sa pamilya mo!

Nakita kong iniyukom ni Alexis ang dalawang kamao niya.

"Hindi ako nakikipaglaro sayo, Craig. Alam kong alam mo kung ano ang ginawa nila kay Aria. Dapat nilang pagbayaran sa empyerno ang ginawa nila!" Halos umecho sa buong building ang malakas na pagsigaw ni Alexis.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tumulo ang luha ko. Napapailing ako habang tinatakpan ang bibig ko.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam na dahil pala sa akin kaya humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko alam na dinamdam pala ni Alexis ang lahat ng nangyari nong gabing yun. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanya.

Habang umiiyak ako ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Craig.

"Nakakatawa ka, Del Castillo! Sumali ka lang pala sa TK para ipaghiganti siya. Sayang, dahil kahit na anong gawin mo ay hinding hindi mapapasayo ang puso ni Aria. Dahil alam kong ako parin ang gusto niya. Ako parin ang hinahanap-hanap niya." Sigaw ni Craig kay Alexis at nakita kong mas iniyukom pa ni Alexis ang mga kamao niya.

Nagkakamali ka Craig. Oo, mahal kita. Pero noon yun. At hindi na ngayon.

Narinig ko ang buntong hininga ni Alexis. "Minahal ka lang naman niya kasi akala niya mabait ka. Ang hindi niya alam, ay isa ka palang demonyo na nagtatago sa katauhan ng isang anghel."

Napalunok ako sa sinabi ni Alexis. Tama siya. Minahal ko si Craig kasi akala ko mabait siya. Akala ko nasa kanya na ang lahat. Pero nagkakamali pala ako.

Tumawa na naman ng malakas si Craig. "Well, di ko na kasalan kung boba siya."

Napanganga ako sa sinabi niya at lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko para sampalin si Craig pero may biglang humila sa braso ko at tinakpan ang bibig ko.

"Shh. Huwag kang mag-alala. Safe ka dito."

Nagulat ako nang makita ko si Bryan. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan e. Nakita kita kanina na parang tanga habang sinusundan si Alexis. Kaya sinundan na lang kita para di ka matsugi. Eto yung sinasabi ko sayo kaninang may rakrakan na magaganap. Nandito ang lahat ng myembro ng TK. Pati narin ang lahat ngmyembro ng Delta Zi." Pabulong na sabi niya sakin.

Mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi niya.

"Rakrakan?" Tanong ko at tumango siya. May itinuro siya sa itaas ng building at laking gulat ko nang makita kong may mga lalaking nakasuot ng maskara habang nakahawak sila ng armalite.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now