E P I L O G U E

16.2K 371 88
                                    

A BIG THANKYOU TO ALL OF YOU! THANKYOU SO MUCH FOR VOTING, FOR COMMENTING, FOR SUPPORTING THIS STORY! THANKYOU FOR NOT BEING AFRAID OF TRYING A DIFFERENT STORY LIKE THIS ONE! THANKYOU SO MUCH FROM THE BOTTOM OF MY HEART!

Thankyou so much guys! A writer is nothing without readers. I love you all. Thankyou again and again,

May :)

The Famous Girlfriend Stealer

E P I L O G U E

"Bakit ka nga ba nila tinawag na the famous girlfriend stealer?" Tanong ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok niya.

Nakahiga siya sa lap ko ngayon. Pagkatapos naming magkaayos kanina ay hinatid niya ako sa bahay. Nagpakilala din siya kina mommy at daddy. Alam niyo ba kung anong sabi niya? It yung sinabi niya oh...

"Good evening po. Ako nga po pala si Alexis Del Castillo, boyfriend po ng anak niyo."

"Simple lang. Kasi mahilig akong mang-agaw ng girlfriend ng iba." Sabi niya habang diretso ang tingin niya sa TV.

Nanunuod kami ngayon ng paborito kong movie entitled, the 3 idiots. Napanuod niyo na ba to? I bet, isa din 'to sa mga one of favorite movies niyo. Apir nga tayo diyan! Hehe.

"Bakit ka naman nang-aagaw ng girlfriend ng iba? E, alam mo namang may nagmamay-ari na sa kanila."

Tumingin siya sakin ng diretso at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Nahulog yata ang puso ko sa sahig.

"Kasi masarap sila."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at dali-dali akong tumayo. Nahulog pa nga siya sa sahig nang tumayo ako. Buti nga!

"Ah, so ibig sabihin hindi ako masarap? Bakit mo ako pinatulan?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya.

Napanganga ako nang bigla siyang tumawa ng malakas.

"Bakit? Girlfriend ba kita?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Fuck you!" Sigaw ko sabay walk out.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagtago ako sa ilalim ng kumot.

Napahiya ako don ah. Nawala ang poise ko. Sumusobra na talaga siya ha. Sabi niya gusto niya ako. Pero tama din naman siya. Hindi pa niya ako girlfriend. Ni hindi pa nga niya ako niniligawan e.

Habang nag-eemote ako sa ilalim ng kumot ay may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Mom. Pakisabihan po yung bwisita ko na pwede na po siyang umuwi." Sabi ko kay mommy.

Pero nagulat ako nang hindi sumagot si mommy. Narinig ko rin na inilock nito ang pintuan. Teka... si mommy ba talaga ang pumasok sa kwarto ko?

Naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko kaya napabalikwas ako ng bangon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Alexis na nakaupo sa gilid ng kama ko at nakangiti habang tinitingnan niya ako.

"Anong ginagawa mo dito? Lumabas ka! Manyakis! Baka ano pang sabihin nina mommy!" Natatarantang sabi ko sa kanya at tumayo ako para itulak siya palabas.

Nang makarating na kami sa pintuan ng room ko ay bubuksan ko na sana ito nang bigla niya akong yakapin.

"Payakap." He said with his oh-so-sexy-tone.

"Anong payakap! Hindi kita boyfriend. Dapat ang boyfriend ko lang ang yumayakap sakin!" Sita ko sa kanya pero mas hinigpitan pa niya ang pagyakap niya sakin.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now