Chapter 28: Ayoko sa piso. Gusto ko ikaw. Priceless.

9.4K 169 16
                                    

 C H A P T E R - T W E N T Y E I G H T

2 years later...

Naglalakad ako sa hallway ng International College Academy ngayon. Hindi lang pala simpleng lakad ang ginagawa ko. Kundi tumatakbo na pala ako.

Oh shet na malagkit! 1st day of being a 2nd year college student ko ngayon at late ako. Hindi ko kasi inaasahan na sobrang traffic pala ngayong araw.

Habang patakbo akong sumakay sa elevator ng school ay may biglang humawak sa braso ko dahilan upang mapahinto ako.

"Congrats! 1st ka na naman sa deans list!" Sabi ni Harley. Ang bestfriend ko since time immemorial. Pero syempre joke lang yun. Kababata ko siya. At close friend ng family ko ang family niya. Daddy niya kasi ang mayor sa lugar namin.

Nginitian ko lang siya at hinila ko siya papasok sa elevator. "Alam mo. Wala akong pakialam sa rank-rank na yan. Para kasing pinapamukha nila sa lahat ng estudyante na may mas nakakalamang pa sa kanila. Bakit kaya di nalang nila tanggalin yang deans list na yan? Mas magiging masaya pa ako kung fair lang ang tingin nila sa lahat ng mga estudyante. Ano sa tingin mo?" Saglit ko siyang sinulyapan at ngumiti naman siya.

"Alam mo, bessy. Alangan namang iisa-isahin ng mga prof. ang lahat ng mga estudyante dito no. At bulungan sila isa-isa sa mga taenga nila na 'Ms.Gomez, ikaw ang 1st ngayong sem' tapos sa isang estudyante naman 'Ms.Reyes ikaw ang last sa rank ngayong sem'. Ganun ba ang gusto mo?"

I rolled my eyes at her. "Hindi mo nakuha ang punto ko e."

"Yeah. Yeah. I get it. You're just being soooo kind naman." She said kasabay ng pagbukas ng elevator.

Pagbukas na pagbukas ng elevator ay mabilis kaming nakalabas doon at sabay kaming tumakbo patungo sa classroom namin. Classmate kasi kami sa unang subject namin at pareho din kami ng course. BS-Psychology ang kinuha namin. Ipinagpatuloy ko lang kursong nasimulan ko sa California noon.

Pagkapasok namin sa classroom ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatingin silang lahat sa amin. Pati ang prof. namin.

Okay. Okay. I get it. We're celebz now!

"Where have you been?" Tanong ni sir Dipay na nakataas pa ang isang kilay. "You know that I am so strict when it comes to your attendance. You should've known that your attendance precedes everything."

Sabay kaming tumango ni Harley at sabay din kaming nagsorry. Nasanay na kami kay sir. Siya rin kasi ang prof. namin sa Personality Psychology noon. Kaya kereybells na namin ang ganitong sitwasyon.

Dahan-dahan kaming naglakad ni Harley sa upuan namin. Mabuti nalang talaga at nasa harapan lang ang upuan namin.

Psych.12 ang first class namin ni Harley. Badtrip nga e. 7am ang unang klase ko at thesis pa ang inaatupag ko.

Habang nagtuturo si sir sa iba't ibang aspeto ng Sikolohiyang Pilipino ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Cause lovers dance when they're feeling in love
Spotlight shining, its all about us
its all about us
And every heart in the room will melt
This is a feeling I've never felt
but its all about us

"Ms.Gomez." Sir Dipay called me.

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Y-y-y-yes sir?"

"Go. Out."

"But si--" magsasalita pa sana ako pero tmunog na naman ang cellphone ko.

Shet! Bakit ba kasi hindi ko ito nailagay sa silent mode?

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now