Chapter 5: I am the famous girlfriend stealer, Aria.

11.4K 234 5
                                    

C H A P T E R - F I V E

Nakatingin ako ngayon sa isang taong gustong gusto kong makita. Siya ang taong nagbigay sa akin ng pag-asa. Siya ang taong nagpapalakas ng loob ko sa tuwing nahihirapan na ako sa mga problema ko. Pero siya din ang isa sa mga taong sumira ng buhay ko. Akala ko mapagkakatiwalaan ko siya. Akala ko nandiyan lang siya kapag kailangan ko siya. Pero akala ko lang pala.

"Let's go." 

Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Alexis palabas sa class room nila. Buti nalang talaga at hinila niya ako palabas. Dahil kung hindi, alam kong iiyak ako sa harapan niya. At yon ang pinakaayaw kong mangyari. Ayaw kong isipin niya na mahina ako. Ayaw kong isipin niya na hinahanap ko siya. Ayaw kong isipin niya na mahal ko parin siya. Kahit yon ang totoo.

"What the hell is wrong with you?!" 

I was back to my senses nang bigla akong sigawan ni Alexis. Ngayon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako. Dali dali kong pinahid ang luha ko at tiningnan ko si Alexis sa mga mata.

"Alis na ako." Sabi ko sa kanya at naglakad na ako palayo sa kinatatayuan niya. 

Mabilis akong nakalabas sa Engineering building at sa paglabas ko ay agad namang tumulo ang luha ko. Kailan pa ba ito titigil? Akala ko ba nakamove-on na ako sa ginawa niya? Pero bakit ganito? Bakit ang sakit sakit parin ng puso ko? Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko nang biglang may humawak sa braso ko. Bigla akong napalingon at nagulat ako nang makita ko si Alexis.

"What's wrong?" Matigas niyang tanong sakin pero parang may nakikita ako sa mga mata niya. Awa. Naaawa siya sakin. 

"Wala ka ng pakialam don." Sarkastiko kong sagot sa kanya. Sa lahat ng pinakaayaw ko ay yung kaawaan ako. Ayaw na ayaw kong kinaaawaan ako ng mga tao. 

"Ganun? Okay, fine. Wala ka na ring pakialam kung gusto kong bugbugin ang lahat ng tao sa school na to." Biglang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. 

Tinalikuran na niya ako at nagsimula na siyang maglakad palayo sakin. 

Natatakot ako. Natatakot ako na baka anong mangyari kay Alexis. Natatakot ako na baka mamatay ang Daddy ko dahil pinabayaan ko si Alexis. Natatakot ako na baka hindi na ako makauwi sa Pilipinas kapag pinabayaan ko siya dito. Natatakot ako. Natatakot ako sa lahat ng posibleng mangyari kapag pinabayaan ko siya.

"Alexis." Mahina kong tawag sa kanya at alam kong sapat na yon para marinig niya dahil huminto siya sa paglalakad, though hindi niya ako tinitingnan dahil  nakatalikod parin siya sakin.

"He's my..." I trailed off. Ano bang sasabihin ko? 

Nagulat ako nang bigla siyang naglakad palayo sakin. I swallowed hard bago ako sumigaw.

"He's my ex!" Pasigaw kong sabi sa kanya dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad. Bakit ko ba kailangang sabihin sa kanya kong sino at ano si Craig sa buhay ko? 

"My fucking ex." I said. Bigla akong napamura dahil naalala ko na naman kung gaano kasakit ang ginawa ni Craig sakin. I don't want to remember those fucking nights. Hell nights.

Hinarap na niya ako at dahan dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang nangyayari sakin dahil bigla bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita kong hindi na nakakatakot ang mukha ni Alexis. Ang dami niyang sugat sa mukha dahil sa pagkakabugbog niya kanina but I can't deny the fact na hindi nabawasan ang kagwapohan niya.

"I'm still your boyfriend, Aria." 

Feeling ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa narinig ko. Nakita ko kung paano nagsalubong ang dalawang kilay ni Alexis. Alam kong hindi ako ang tinitingnan niya, kundi ang tao na nakatayo sa likuran ko. Sinundan niya ako. 

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon