Chapter 13: Meet the Trojan Knights

9K 179 9
                                    

C H A P T E R - T H I R T E E N

Habang nakikinig ako sa usapan nila ay biglang nang-ring ang phone ko. Nataranta ako kung ano ang gagawin ko at hindi ko alam kung sasagutin o itatapon ko ba ang phone ko.

Oh my Lord!

"Sasagutin mo ba o hindi?"

Napahigpit ang paghawak ko sa phone ko nang biglang may nagsalita. I gently closed my eyes and pray na sana, sana huwag nila akong saktan.

"Ano?" He asked again. But wait, kilala ko ang boses na to ah.

Dahan-dahan kong iniangat ang nakayuko kong ulo.

"H-ha?"

"Masamang pinaghihintay ang isang tao."

I bite my lower lip with what he said. Anong ibig niyang sabihin? Bakit parang tumagos sa puso ko ang sinabi niya?

"Ang ibig kong sabihin ay baka importante ang tawag na 'yan. Pero kung nilagyan mo man ng ibang kahulugan ang sinabi ko ay nasasa'yo na yun. Wala na akong magagawa don." Seryoso niyang sabi sakin habang nakatitig sa mga mata ko.

Para yatang biglang natuyuan ng laway ang bibig ko at hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ilang seconds o minuto ba kaming nagtitigan hanggang sa huminto na ang pag-ring ng phone ko. Tiningnan ko ito at saka ko lang nakita na unknown number pala ang tumatawag sakin.

"Baka nagsawa na siya sa katatawag sayo dahil hindi mo man lamang siya pinansin. Dahil na-busy ka sa pagtuon ng attensyon mo sa ibang tao na akala mo ay pinapahalagahan ka. Pero akala mo lang pala." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinalikuran na niya ako.

Pero bago pa man siya makaalis ay hinugot ko ang lahat ng lakas ko para maitanong sa kanya ang isang bagay na noon ko pa gustong itanong.

"Mahalaga ba ako sayo?" Mahina kong tanong sa kanya pero alam kong narinig niya ito dahil huminto siya. Pati ang mga kasamahan niya ay napatingin din sakin. Siya lang. Siya lang ang hindi tumingin.

"Sa susunod, kung gusto mo akong kausapin ay huwag kang magtago sa likod ng halaman. Dahil kahit ilang ulit kapang magtago ay makikita at makikita parin kita." Yun lang ang sinabi niya at naglakad na siya palayo sakin.

Pero bakit parang di ko yata na-gets ang sagot niya? Bakit parang napakamisteryoso na niya? At bakit parang nagbago na siya?

I heaved a deep sigh at aalis na sana ako nang mapagtanto ko na nakatingin ang lahat ng kasamahan ni Craig sakin. Ngayon ko lang narealize na si Craig lang pala ang umalis at naiwan ang lahat ng kasamahan niya. Naiwan silang nakatitig sa mukha ko.

Napataas ang kilay ko at isa-isa kong tinitigan ang mga mukha nila.

Limang lalaki ang nakatayo sa harapan ko ngayon. Limang lalaki na para bang mga sosyal na gangsters. At limang lalaki na para bang handang makipagpatayan. Pero bakit ni hindi man lamang ako natakot sa mga mukha nila? Siguro dahil sa mga gwapo sila at halatang may kaya sa buhay.

"What?" Naiiritang tanong ko sa kanila at isa-isa naman silang nagsitalikuran at naglakad palayo.

Aba't! Loko-loko yung mga yun ah! Iwan ba naman ako dito na parang tanga?

--

Matapos ang klase ko sa EfCom ay dumiretso ako sa engineering building upang i-stalk na naman ang gwapo kong amo.

Pagdating ko sa engineering building ay dahan-dahan akong naglakad sa corridor dahil baka makadistorbo ako sa ibang klase.

Nang makarating na ako sa tapat ng room ni Alexis ay nagulat ako dahil sa dalawang babae na para bang giraffe kung makatingin sa loob ng classroom. Ang tataas kasi ng leeg nila. Pustahan tayo. Stalkers din tong mga to.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon