Chapter 29: Dadalhin natin siya sa langit.

8.6K 178 14
                                    

C H A P T E R - T W E N T Y N I N E

Nakahilata ako ngayon sa kama ko habang iniisip ko ang sinabi ni Harley sa akin kanina.

Habang nasa klase pa kasi kami kanina ay tinanong ko siya kung paano sila nagkakilala ni Alexis. Pero hindi ko sinabing kilala ko ang Alexis na tinutukoy niya.

Sabi niya, nagkakilala daw sila dahil kaibigan daw ni Alexis ang boyfriend niya noon. Dalawang taon na daw sila ng boyfriend niya nang bigla siyang akitin ni Alexis.

At nagpaakit naman siya. Kasi nga, gwapo, mayaman, matipuno, matalino, at nasa kanya na daw lahat. Pero ang di niya alam ay ipinusta lang pala siya ni Alexis sa isang car racing event.

My, God! Bakit ba wagas kung mang-agaw ang taong mahal ko?

At bakit nga ba ako na in love sa kanya?

Dahil gwapo, matipuno, matalino, may abs, maputi, intsik, at lahat lahat na?

O dahil sa alam ko kung sino talaga siya, inside and out sa kabila ng kademonyohan ng anyo niya?

WOW! May pa inside and out pa akong nalalaman. Gayong iniwan niya ako sa ere habang nasa bingit ako ng kamatayan. Wow! As in Wow. With the capital W!

Naiistress ang beauty ko sa taong yun ha! Pinapaiyak niya na lang ako palagi. Sinasaktan niya na lang ako lagi. Pero bakit... bakit hanggang ngayon... siya parin? Bakit hindi ko parin siya makalimutan?

Habang nag-eemote ako ay biglang nagvibrate ang phone ko.

Dali-dali ko itong kinuha kasi umaasa ako na siya ang nagtext.

Pero hindi. Si Harley pala ang nagtext.

Walang ganang inopen ko ang message niya at nagulat ako sa itenext niya.

Bess! Guess what? Alexis Del Castillo is in our house right now! With flowers and chocolates! - Harley

Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya at may biglang bumara sa lalamunan ko.

Nabitawan ko ng wala sa oras ang cellphone ko at patakbo akong lumabas ng kwarto.

Hinanap ko si mommy sa sala pero wala siya. Lumabas ako sa bahay at nakita kong nakaupo siya sa harden habang pinapaypayan ang daddy ko.

Kahit sumasakit ang puso ko ngayon ay napapangiti parin ako sa nakikita ko.

Nabuhay si daddy matapos ang dalawang taon na nakacoma siya. Nawala na rin ang tumor sa utak niya. Yun nga lang, paralyzed ang kaliwang katawan niya. Pero okay narin yun. At least makakasama pa namin siya ng matagal.

"M-mom." Nangangatal na tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sakin at nginitian niya ako. "Yes?"

I swallowed hard bago ako nagsalita. "A-alam niyo po ba na nakauwi na si Alexis?"

I heard her sigh at tumango siya.

"Mom naman. Bakit di mo sinabi sakin na nakauwi na pala siya?" Napataas ang boses ko nang sinabi ko yun. Ang sikip na kasi ng dibdib ko.

"I don't think it's necessary, darling." Mahinahon niyang sabi.

Napanganga ako sa sinabi niya. "What? You don't think it's necessary?" Napapikit ako at napabuntong hininga bago ako nagsalita ulit, "It's necessary mom! It's necessary!" Sigaw ko at patakbo akong bumalik sa kwarto ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong isinara ang pintuan at inilock ko ito. Nagtago ako sa ilalim ng kumot at hinayaan kong lumabas ang masasaganang luha sa mga mata ko.

I don't think it's necessary.

Bakit? Alam ba nila kung ano ang nararamdaman ko? Alam ba nila na sobrang nangungulila na ako sa kanya? Alam ba nila na kaya kung itaya ang buhay ko para sa kanya?

Anong 'I don't think it's necessary'? E, ni hindi nga nila alam kung anong pinagdaanan ko don sa California e. Hindi nila alam kung gaano ako naghirap don. Pero ang mas hindi nila alam ay naging masaya ako sa kaunting oras ng pananatili ko don.

Naging masaya ako dahil kasama ko siya. Pero bakit nila ipinagdadamot ang kasiyahan ko? Bakit nila ako ginaganito?

Sana pala hindi na lang ako nagising. Sana pala hindi na lang ako lumaban, kung ang ipinaglalaban ko naman ay walang pakialam sa akin. Ang sakit! Sobrang sakit!

Alam niyo ba yung feeling na parang hindi kayo makahinga? Mas grabe pa 'to sa feeling na naramdaman ko noon habang nakabitin ako sa ere at may lubid sa leeg ko. Mas grabe pa 'to kasi feeling ko pati puso ko durog na durog e.

Habang humihikbi ako ay may biglang pumasok sa kwarto ko. Hindi ko siya pinansin dahil ayokong makita niya na umiiyak ako.

"Darling, here's your weekly allowance. Sabihin mo lang kung kulang at pupunan ko." She said.

Hindi ko siya sinagot at narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya lumabas sa kwarto.

Biglang nagvibrate ang phone ko at dali-dali ko itong kinuha. Binasa ko kung sino ang nagtext. At nang mabasa ko na ay sana... sana hindi ko na lang binasa.

Bessssss! He said he's sorry, and oh god. He wants us to start all over again! Kyaaaaa! I can't breath! - Harley

Shit! Shit! Shit!

I need air!

Dali-dali akong lumabas sa kwarto. Hindi ako sa main door lumabas, kundi sa bintana. Gusto kong umalis. Gusto ko ng hangin. Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak ng umiyak.

Sa likuran ako ng bahay dumaan. Inilock ko naman ang pinto ko before ako tumakas e. Gusto kong isipin na lang nina mommy na natutulog na ako. Kahit ang totoo ay tumakas ako.

Madilim na ang daan habang naglalakad ako sa kawalan. Hindi parin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Ang sakit sakit e. Mas masakit pa 'to kesa nong iniwan ako ni Craig. Hindi ko alam na may ganitong pain palang nag-eexist sa mundo. Sobrang sakit. Hindi naman kasi siya physical pain na may gamot e. Emotional and psychological pain ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit na para bang namatayan ako.

Bakit siya nagpakita kay Harley? Bakit sakin hindi? Mas mahalaga pa ba si Harley kesa sakin? Mahalaga ba ako sa kanya? O pinaglaruan niya ako?

Lakad lang ako ng lakad sa madilim na daan. Di ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging alam ko lang ay gusto kong maglakad ng maglakad ng maglakad ng maglakad!

Habang naglalakad ako ay biglang may itim na sasakyan ang huminto sa tabi ko hindi pa man ako nakakareact ay may nakita akong tatlong lalaking lumabas galing sa sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makaita kong puro sila nakamaskara.

"S-sino-- HMMMMMMM!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla nilang takpan ang bibig ko at pwersahang isinakay ako sa van.

Nang maramdaman ko ang malamig na upuan ng van ay naramdaman ko ding itinali nila ang dalawang kamay ko.

"Hmmmmmm! Hmmmmmmm!" Nagpupumiglas ako pero wala e. Ang lalakas nila.

Shit! Bakit ba palagi nalang akong napapahamak?

"Saan natin dadalhin ang sexyng babaeng 'to, bos?" Narininig kong tanong nong isang lalaki sa van.

Nanindig naman ang mga balahibo ko nang marinig kong tumawa ng malakas ang isa pang lalaki.

"Dadalhin natin siya sa langit." Sabi niya at sabay silang nagtawanan lahat.

Oh. My. God.

Ano ba talagang balak mo sa buhay ko?

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Where stories live. Discover now