Chapter 15: Bakit nandito ka pa kung alam mo naman palang masasaktan ka?

8.9K 195 13
                                    

C H A P T E R - F I F T E E N

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Seriously? Kasama ni Alexis yung mga myembro ng Trojan Knights? Pero paano siya napasama sa grupong yun? Totoo kayang siya na ang bagong leader ng TK?

Napailing ako. Imposible. Alam kong di ganoon kasama si Alexis. Alam kong di siya papatay ng kapwa niya.

Well, hindi naman sa hindi siya masama. Oo, inaamin ko. Masama ang ugali niya. Pero di naman siguro aabot sa punto na papatay siya diba? Takot ko lang kung ganon. Parang wala kasi sa personality niya ang magpauto sa mga frat frat na iyan. At saka, sino bang nasa tamang pag-iisip ang papayag na magpapalo at magpabugbog sa initiation? Brotherhood ba ang tawag nila don? Para sakin, malaking katangahan ang tawag don!

Anong klaseng brotherhood yan kung puros away at sakit sa katawan lang ang mapapala mo? Yan na ba ang bagong brotherhood ngayon? Siraan at patayan? E, anong klaseng samahan yan?

Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang siya ay diretso lamang ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Pauwi na kami ngayon. Nasabi ko na ba sa inyo na pareho ang schedule naming dalawa? 8am hanggang 2:30pm lang ang klase namin.

Ano kayang iniisip niya? Tatanungin ko ba siya tungkol sa nakita ko kanina? I bit my lower at hinigpitan ko ang pagyakap sa bag ko na nakapatong sa lap ko.

Kinakabahan ako. Baka kasi pag nagtanong ako e magalit siya at pababain na naman ako sa sasakyan gaya nong ginawa niya sakin noon. Pero bigla ko na namang naalala ang sinabi sakin ni Cristy kanina.

 Pero bilib ako sa bagong leader nila ha, 3 days lang at nakapasok na siya kaagad. I wonder kung gaano siya katapang at kung gaano kaya siya kasalbahe. Nagdududa kasi kami na baka may napatay siya sa kabilang grupo kaya siya naging leader. Kapag may napatay ka kasi sa kabilang grupo, tiyak na magiging pinuno ka.

I heave a deep sigh at humugot ako ng lakas para maitanong ko sa kanya kung tama ba ang hinala ko. Sanay na kasi akong nagkakamali. Mali mali kasi palagi ang hinala ko kaya kery ko to! Sana mali talaga ang hinala ko. Sana di siya pumatay para makapasok lang sa walang kwentang grupo na yun.

"A-ano..." medyo nangangatal na sabi ko habang nakatingin sa bintana.

"What?" Iritadong tanong niya.

Tiningnan ko siya at pinagmasdang mabuti. "Ahm. A-ano kasi... kasi..."

"Ano ba kasi yun?!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsigaw niya. Halos lumabas na ang dumi sa taenga ko don ah.

"Ba't ba ang sungit mo?" I shot him back.

"Ba't ba ang gulo mo?" Sigaw niya rin sakin.

"E, ba't ka ba kasi naninigaw?" Akala niya siya lang ang karapatang sumigaw?

"Ba't ka ba kasi nanggugulo?" Sigaw niya sakin.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano? Ako? Nanggugulo? E, sira ulo ka pala e! Ikaw tong pumasok sa walang kwentang fraternity na yun tapos ako ang sasabihan mong nanggugulo? Hoy! Sabihin mo nga, sinong pinatay mo para maging leader ka sa fraternity na yun?"

Bigla ang preno ng sasakyan niya at itinabi niya ito sa tabi ng daan. Dahil sa pag preno niyang yun ay bigla akong napatakip sa bibig ko.

Shit. Shit. Shit.

Ano yung sinabi ko? Aria naman e! Di ka nag-iingat e!

Limang minuto rin kaming walang imikan nang bigla niyang binasag ang katahimikan.

"What did you say?" Mahina pero nakakatakot na tanong niya.

"H-ha?" Nauutal na sagot ko at hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa bag ko.

"What did you say?" Ulit niya na sobrang nakakatakot na ng boses niya.

I bit my lower lip. "A-ano..."

"What the fuck did you just say?!" Nanlalaki pa ang mga mata na sabi nito. Namumula siya sa galit habang nakatingin sa akin.

Napaigtad naman ako dahil sa takot at di ko inaasahang tutulo ang luha ko. Di ko yata napansin na maiiyak na pala ako dahil sa takot. Dali-dali kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Are you crying?" Patay. Nakita niya ang pagpatak ng luha ko?

"H-hindi ah!" Deny ko. Di naman talaga ako umiiyak. Ewan ko kung bakit may luhang tumulo sa mata ko.

"Aria!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw niya.

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya at para bang nanikip ang dibdib ko.

"Ano bang problema mo?" Seryosong tanong niya sakin pero mataas parin ang tono ng boses niya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ba't di mo sinabi sakin na sumali ka pala sa walang kwentang fraternity na yun ha?!" Halos maputol na ang ugat ko sa pagsigaw ko sa kanya pero kailangan ko itong ilabas. Dahil kung hindi, baka mapatay ko pa siya ng wala sa oras.

He smirked showing his dimpled cheek. "Ano bang pakialam mo?"

"May pakialam ako kasi ako ang guardian mo dito! Inutusan ako ng pamilya mo na bantayan ka! At kung may masama mang mangyari sayo ay mawawala din ang lahat ng meron ako! Mawawala ang negosyo namin at mamatay ang daddy ko dahil sa kagagawan mo!" Sigaw ko sa kanya kasabay non ang pagtulo ng luha ko. Bwisit! Bakit ba kasi ako umiiyak?

"Tama ka! Ako lang naman ang dahilan kung bakit ka nagdurusa ngayon diba? Ako ang dahilan kung bakit ka nandito! Ako ang dahilan kung bakit malapit ka ng magahasa! Dahil sa akin nagkandamalas-malas ang buhay mo! Kaya nga gusto kitang paalisin sa buhay ko e! Hindi mo pa rin ba nakukuha ang punto ko? Ayokong masaktan ka dahil sa walang kwentang katulad ko!" He shouted.

"Bakit? Kasalanan ko bang gusto kong manatili sa tabi mo kahit nasasaktan na ako?!" Sigaw ko sa kanya.

Tinitigan niya ako at para bang may nakikita akong sadness sa mga mata niya. Ano bang tinatago mo Alexis? Bakit mo ba pinapaalis ang mga tao sa paligid mo?

"Bakit nandito ka pa kung alam mo naman palang masasaktan ka?" Seryoso at mahinahong tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

I swallowed hard. "Dahil may sakit ang daddy ko at kailangan ko ng pera. Kailangan kong makatapos ng pag-aaral, at kailangan kong isalba ang kompanya namin." Sagot ko sa kanya habang nakatitig din ako sa mga mata niya.

Pero bakit feeling ko iba ang inaasahan niyang isasagot ko? Bakit feeling ko nasaktan siya sa sagot ko?

"Bakit ka sumali sa frat na yun?" Ngayon ako naman ang magtatanong sa kanya.

I heard him sigh. "Dahil gusto kong pahalagahan din ako ng taong pinapahalagahan ko."

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon