KALABIT NG KAMATAYAN

1.1K 12 2
                                    

───────────── ✦ ✾ ✿KALABIT NG KAMATAYAN✿ ✾✦ ─────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

───────────── ✦ ✾ ✿
KALABIT NG KAMATAYAN
✿ ✾✦ ─────────────


Aking narinig, sa gitna ng kasiyahan
Yabag ng paa, senyas ng kaguluhan
Dumating sa harapan, imahe ng kaligtasan
"Pulis," isang mapanlinlang na pangalan


Ang ugat ng gusot ay patuloy na yumabong
Sigaw ng poot, 'di marunong umurong
Saan na ba ako pipitas ng tulong?
Kung siya mismo'y narito, katwira'y isinusulong


"Tama na, anak," marahan kong bulong
Sinubukang pigilan, pagsibol ng sumpong
Mainit na yakap, sa bisig siya'y ikinulong
O Diyos ko, saan na ba 'to hahantong?


Titulo'y nakamit sa pangangako ng salita
'Alagad ng batas,' paglalarawan sa balita
Ang kadakilaang sila mismo ang nagpinta
Binalot ng itim na usok, dangal ay 'di na makita


Boses ng bata'y biglang nagpakilala
"Pulis aking tatay," ipinagmamalaking dakila
Kaawa-awa, siya'y lumaki sa gusot na paniniwala
Bulag sa tama, mulat sa maling akala


Hindi napigilan, bata ay kinantahan
Isang sikat na ritmo, naging hudyat ng katapusan
Bala ng baril, sunod-sunod niyang pinakawalan
Natapos ang hidwaan sa paggawa ng kasalanan


Sa huling sandali, nais kong hagkan
Aking anak, patawad, 'di kita naprotektahan
Sa huling sandali, nasaan ang katarungan?
Sa bayang ito, sino na ba ang dapat pagkatiwalaan?


'Masaklap na kapalaran, aming nakamtan, nang siya'y tumugon sa kalabit ng kamatayan'


***
#JUSTICEFORGREGORIOFAMILY

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now