ANG HULING PAKIUSAP SA AKING UNANG PANGUNGUSAP

60 2 0
                                    

─────────────────────── ✦ ✾ ✿ANG HULING PAKIUSAP SA AKING UNANG PANGUNGUSAP✿ ✾✦ ────────────────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

─────────────────────── ✦ ✾ ✿
ANG HULING PAKIUSAP SA AKING UNANG PANGUNGUSAP
✿ ✾✦ ────────────────────────

Isang araw, nagtangkang lumikha ng bagong simula
Akala'y madali, unang hakbang ay isinawalang bahala
Doon ko muling naalala, ngiti na mistulang paalala
Kasama ng mapait mong paalam na hindi mabura sa alaala

Ako'y ibinalik ng panulat sa nagtapos nating kuwento
Kung saan ikaw at ako ang tauhan sa ating munting teksto
Isang pahina sa dulo, kung saan tayo tuluyang huminto
Isang kabanatang nagsara sa nakaraan nating konsepto

Kaakibat ng 'noon' ang pagsisimula ng bawat 'ngayon'
Subalit narito pa rin ang tanong, "Bakit nagkagano'n?"
Nang ako'y iyong talikuran, nanatili pa rin sa 'king posisyon
Hiniling na ako'y balikan, hiniling na ikaw ay lumingon

Hindi ka tumugon sa sigaw na aking pinakawalan
Ikaw ay nagpatuloy, nilisan ang binuong tahanan
Mula rito'y tanaw ko, gumuho ang ating pagmamahalan
Paa ko'y 'di makagalaw, ipinako kung saan mo ako iniwanan

Ngayon, paano ko isusulat ang bagong simula?
Kung ako'y narito pa rin sa huling bahagi at 'di makawala
Siguro'y oras na para tuldukan ang ating mga alaala
Nang makausad na, bagong simula'y akin nang makilala

Sa pagbukas ng pinto, sa likod, ako'y sumulyap
Bago tuluyang humakbang, katapusa'y buong pusong tinanggap
Siguro'y ako'y uusad nang wasak, walang pagpapanggap
Sisimulan ang panibagong kwento sa piraso ng isang pangungusap

"Pakiusap, kung tayo'y muling maghaharap sa hinaharap, 'wag ka nang sumulyap," iyon ang huling pakiusap sa aking unang pangungusap.

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now