ANG PANGHABANG-BUHAY NA PAKSA NG SAWING MAY-AKDA

285 5 1
                                    

────────────────────── ✦ ✾ ✿ANG PANGHABANG-BUHAY NA PAKSA NG SAWING MAY-AKDA✿ ✾✦ ──────────────────────

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

────────────────────── ✦ ✾ ✿
ANG PANGHABANG-BUHAY NA PAKSA NG SAWING MAY-AKDA
✿ ✾✦ ──────────────────────


Ramdam ko pa rin hanggang ngayon
Ang panulat na to'y sa'yo pa rin nakatuon
Nakalinyang kataga'y nakaayon pa rin sa kahapon
Pamagat ng aking tula'y sa'yo pa rin tumutugon


Sa bawat letra, luha ang ginamit na tinta
Ang bawat tugma'y tinig ng nalagas mong salita
Sa bawat taludtod, hagulgol ng naglahong pagsinta
Sa nabuong saknong, nasirang tayo'y ipinakita


Mistulang sinulid ang pagguhit nitong panulat
Itinahi sa papel, nakaraan ng manunulat
Sa mga sagot na 'di sapat, tuldok ang lumapat
Bakit natapos ang lahat sa simpleng 'salamat'?


Tayo ay konsepto ng nagwakas na pagkakataon
Lumipas na, tinapos na, dinaanan na ng panahon
Subalit ikaw pa rin ang paksang 'di ko magawang ikahon
Ang nasawing pag-ibig na sa tula ay aking ibinaon


'Ikaw ang panghabang-buhay na paksa ng sawing may-akda'

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon