─────────────── ✦ ✾ ✿
ROSAS NG KASIGURADUHAN
✿ ✾✦ ───────────────Sa gitna ng hardin, ako'y iyong pinuntahan
Nagbitiw ng linyang itinanim sa isipan
Tinanggap ang rosas na 'yong handog sa harapan
Ako'y ngumiti kahit may tinik sa kaloobanSa ating paghakbang, patuloy sa paglingon
Sa ating nilalakarang malayo sa kahapon
Ikaw ay narito, sa kasalukuya'y tumutugon
Ngunit pagpili sa akin, tunay mo nga bang desisyon?Tinik sa aking palad, patuloy na bumabaon
Pangamba sa'king puso'y mistula bang polusyon
Ang linyang iyong sinabi, ayaw kong maging ilusyon
"Ikaw na," sa akin na nga ba ang dati niyang posisyon?Pagsibol ng takot, hindi kayang pigilan
Hindi maiguhit tamang linya ng pagmamahalan
Mistulang naliligaw sa nakakalitong kalawakan
Ikaw nga ba'y nakaahon na nang siya'y pakawalan?Sinubukan kong hawakan iyong mga kamay
Hinanap sa mga mata, pag-ibig na kulay
Subalit ika'y umiwas, sa likod ay muling sumilay
Nahanap ang sariling nakatingin sa lumbayMunting bulaklak, mahigpit kong hinawakan
Sa aking isipa'y ito ang ating kasiguraduhan
Sa tibok ng puso mo, ako'y nagbubulag-bulagan
Sigaw nito'y nakaraan, ang kaniyang pangalanIka'y bumitaw sa aking pagkakahawak
Dumagundong ang puso sa papalapit na pagkawasak
Sa pagbuka ng 'yong bibig, ramdam ang luha sa pagpatak
"Siya pa rin," linyang sa akin ay tumatakRosas ng kasiguraduhan ay nabitawan, nang aking malaman masakit na katotohanan.
"Patawad, siya ang aking kasiguraduhan"
YOU ARE READING
𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔
Poetry"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰)