KADENA NG PANGAKO

2.8K 15 1
                                    

───────────── ✦ ✾ ✿KADENA NG PANGAKO✿ ✾✦ ─────────────

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

───────────── ✦ ✾ ✿
KADENA NG PANGAKO
✿ ✾✦ ─────────────


Isang alaalang naging panaginip
Patuloy sa pagbisita sa loob ng isip
Sa pagtatapos ng ilang saglit na pag-idlip
Sarili'y nagising sa madilim na yungib


Ang tumalikod ay 'di maaaring gawin
Ito ang rason at naging tungkulin
Itinanim sa isip, ito'y dapat tahakin
Isang direksyong hindi kayang baguhin


Maliit na boses, patuloy sa pagpupumiglas
Mula sa tali ng salita'y gustong makatakas
Sa ingay ng katahimika'y nauubos ang lakas
Alingawngaw lamang ang tanging nakakalabas


Kadena ng pangako'y aking hahayaan
Matiik man ako'y handang mahirapan
Tutuparin ang pangakong binitiwan
Labag man ito sa aking kagustuhan


Patuloy akong magiging alipin
Patuloy ding maghihintay na sagipin
Sa loob ng dilim, sana'y magawang hanapin
Isang liwanag na kaya akong palayain


'Ako'y tutugon sa pangako ng kahapon'



☘ Zev
~THE VLACK KOSMOS~
(Kabanata 31)

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon