SARILING SAPOT

424 4 0
                                    

────────── ✦ ✾ ✿SARILING SAPOT✿ ✾✦ ──────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

────────── ✦ ✾ ✿
SARILING SAPOT
✿ ✾✦ ──────────


Narito ako, yakap ang mga tuhod
Mistulang naliligaw habang dilim ay pinapanood
Ako'y nakabukod, pagsuko'y ginawang bakod
"Ayos lang ako," salitang naglalaman ng pagod


Hindi ko mawari kung saan ang lokasyon
Saan nga ba matatagpuan ang tamang rason?
Kawalan sa aking loob, unti-unti akong nilalason
Aking liwanag, nasaan ang tamang direksiyon?


Ako'y tumayo, lumapit sa salamin
Aking katauhan, sinimulan kong hanapin
Ngunit nabigo, lumuha ang damdamin
Hindi ko kilala ang taong tumingin sa akin


Kasiyahan ang dahilan ng ating pagngiti
Sa umaga, tanghali, masaya ka dapat palagi
Subalit hiram na ngiti ang pumorma sa'king labi
Sa paglubog ng araw, kailangan ko 'yong isauli


Walang luha ngunit umiiyak nang husto
Sumisigaw nang tahimik, kahit hindi ito gusto
Sa bawat pagpikit, utak ay nanunukso
Ano ba ang dapat maramdaman ng aking puso?


"Hindi ko alam," ang posibleng sagot
Bagong ako'y hinulma nitong kilalang sapot
Mula sa walang-katapusang takot at kilabot
Pagkakakilanlan niya'y bigla na lamang sumulpot


'Lumang ako'y binalot ng sariling sapot'

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now