KALSADA NG DISTANSYA

1.9K 17 5
                                    

───────────── ✦ ✾ ✿KALSADA NG DISTANSYA✿ ✾✦ ─────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

───────────── ✦ ✾ ✿
KALSADA NG DISTANSYA
✿ ✾✦ ─────────────


Mula sa aking pwesto, ika'y namataan
Nais humakbang patungo sa'yong kinaroroonan
Subalit anumang lakad, ika'y 'di mapuntahan
Daan patungo sayo'y mistulang walang katapusan


Lokasyon mo'y nais kong marating
Nais kang hagkan at makapiling
Makamtan ka'y nag-iisa kong hiling
Ngunit espasyo sa pagitan natin, sa'n ba nanggaling?


Anumang habol ko'y walang nagbabago
Sa kalsadang ito, mas lumalawak ang layo
Kailan ba mararating ang inaasam kong dulo?
Kailan ba magkakatagpo ang ikaw at ako?


Puwang sa isa't isa'y 'di tayo pinagbubuklod
Agwat nating dalawa'y pilit tayong pinagbubukod
Ako'y narito, nananatili sa'yong likod
Sa malawak na daan, ako'y patuloy na sumusunod


Kung hanggang kailan, hindi matantiya
Ika'y aabutin sa abot ng makakaya
Kung hanggang saan, iisa ang pasiya
Aking tatapusin, kalsada ng distansya


'Ika'y pupuntahan sa dulo ng walang hanggang daan'

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now