SI UNA, ANG PANGHULI

58 2 0
                                    

─────────────── ✦ ✾ ✿SI UNA, ANG PANGHULI✿ ✾✦ ───────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

─────────────── ✦ ✾ ✿
SI UNA, ANG PANGHULI
✿ ✾✦ ───────────────


Kung aking babalikan, bakas ng paa sa buhangin
Aking matatanaw, mga iginuhit na hangarin
Nais kong isaulo ang yapak ng dating mithiin
Ngunit ito'y binura ng alon nang umihip ang hangin


Sa librong binabasa nakasalalay ang kinabukasan
Bawat numero ng pahina'y gumuguhit ng kalakasan
Subalit ayon sa bituin, titulo ko'y dapat magbigay-daan
Ibahin ang direksiyon, upang kadugo'y mabigyan ng daan


Sa aking palad, responsibilidad ay sadyang nakasulat
Prayoridad ay hindi sarili, kundi ang bukas ng lahat
Sa bulsa'y itatago na lamang, pangarap na 'di sapat
Handang pasanin sa balikat, ito man ay mabigat


Salapi ng kanilang alkansiya'y dapat kong punan
Pitaka para sa pangala'y mawalan man ng laman
Kamay ay handang tumulong, handang maubusan
Sila'y mabigyan lamang ng kongkretong kinabukasan


Marahil alam ng lahat ang aking ngalan, ang aking buhay
Ako ang panganay, ang nauuna sa aming hanay
Ang Ate, ang Kuya, ang inaasahan sa bahay
Ang dapat magtagumpay, ang bawal sumablay


"Kung ako'y magbibilang sa daliri, si Una ang panghuli."

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔On viuen les histories. Descobreix ara