────────── ✦ ✾ ✿
TALI NG MANIKA
✿ ✾✦ ──────────Sa pagmulat ng aking mga mata
Init ng araw, aking nadama
Asul na kalangitan, aking tiningala
Malayang ibon, aking nakitaPintig ng puso ko'y naramdaman
Pagdaloy ng dugo sa aking katawan
Luntiang damo sa aking talampakan
Ito ang inaasam, tunay na kalayaanAng isip na dati'y naliligaw
Ang sarili na sa dilim ay nasilaw
Hindi na muling matatanaw
Tuluyan na siyang natunawKasabay ng pagtila ng ulan
Bagong simula'y aking nahagkan
Lungkot na inakalang walang-hanggan
Pagtanggap sa sarili ang naging daanTayo'y pantay-pantay ngunit may sariling pagkatao
Isarado ang tenga sa utos nila sa'yo
Huwag ibigay ang taling magdidikta ng kilos mo
Ika'y manika mo, ako'y manika koSubukang huminga, tumakbo sa malayo
Walang sinuman ang pipigil sa hakbang mo
Huwag tumango, huwag ding tumungo
Ika'y may buhay, sundin ang puso mo'Ako ang siyang may hawak ng tali ng manika ko. Ako lang at hindi ibang tao'
YOU ARE READING
𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔
Poetry"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰)