KASAYSAYAN

4.2K 34 4
                                    

───────── ✦ ✾ ✿KASAYSAYAN✿ ✾✦ ─────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

───────── ✦ ✾ ✿
KASAYSAYAN
✿ ✾✦ ─────────


Kasaysayang puno ng nakaraan
Panahong binuo't pinagsaluhan
Alaalang tanda ng pinagsamahan
Hawak-kamay niyo itong sinimulan


Ang 'dati' ng lumipas na panahon
Ang kahapong binubuo ng mga 'noon'
Saklaw pa rin ng ating pagkakataon
Patuloy na nabubuhay sa ating 'ngayon'


Kasaysayang hindi matatapatan
Alaalang hindi kayang palitan
Katotohanang nais na higitan
Imposible pa ring malagpasan


Kay hirap abutin ng salitang 'kayo'
Ang 'ikaw at siya' na inyong binuo
Hindi kayang tumbasan ng 'ikaw at ako'
Kay layo ng agwat sa salitang 'tayo'


Kasaysayan ngunit buhay sa kasalukuyan
Lumipas ngunit 'di nawala nang tuluyan
Ang umuusad na panaho'y 'di magawang lubayan
Pilit na sumusunod, anino ng kasaysayan


Talo ang ating 'tayo' sa inyong 'kayo'

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now