LIHIM NG TAGSIBOL

42 1 0
                                    

─────────────── ✦ ✾ ✿LIHIM NG TAGSIBOL✿ ✾✦ ───────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

─────────────── ✦ ✾ ✿
LIHIM NG TAGSIBOL
✿ ✾✦ ───────────────

Isang "balang araw" ang aking binalikan sa kasalukuyan
Isang sikretong pinayabong ng makulay na kapanahunan
Maaliwalas, mahalimuyak, pag-ibig na noo'y iningat-ingatan
Dalawang pusong nag-iibigan, subalit 'di pinagbigyan

Mapait ang iyong ngiti nang iabot ang liham ng taglagas
Suot mo ang pagsisisi sapagkat hindi ikaw ang aking wakas
Paano ko ba sasabihin na tayo'y talunan sa laro ng oras?
Na minsa'y ikaw ang tinatangi, ang may-ari ng damdaming wagas

Batid ko ang sabay na pintig na noo'y nais kong makamtan
Ako'y umupo sa iyong tabi, nag-asam ng iyong katapatan
Sa loob ng hardin, itinanim mong puno'y patuloy kong pinagmasdan
Matiyagang naghintay, lihim na pagtingi'y nais kong malaman

Paano ko ipagsisigawan na ako'y iyo ring sinisinta?
Kung pagtingi'y walang ebidensya ng mahiwagang dal'wang salita
Sikreto ko sana'y mabubunyag, bituin sa mata'y may nais ipakita
Kung hinayaan ang damdamin, hindi "tamang pahanon," ang magsalita

Maniwala ka, aking hinintay na magtapos ang 'yong paghihintay
Subalit ang tamang panahon nati'y tiyak, hindi kayang ibigay
Ang masiglang kulay ng panahon, biglang binalot ng lumbay
Aking sinta, hanggang dito na lang ang aking pagsubaybay

Iniibig kong tagsibol, dahon sa sanga'y unti-unti nang nalagas
Dumating na ang taglagas, pagbitaw ang handog ng ating bukas
Siya'y dumating, sa hardin ng paghihintay, ako'y itinakas
Sa dating wagas, paalam, pag-ibig ko'y dito na magwawakas

"Sa liham ng taglagas na pinaglipasan ng panahon, ito ang lihim ng tagsibol, ang aking nahuling tugon."

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now