PINTOR NG BAHAGHARI

356 1 0
                                    

──────────── ✦ ✾ ✿PINTOR NG BAHAGHARI✿ ✾✦ ────────────

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

──────────── ✦ ✾ ✿
PINTOR NG BAHAGHARI
✿ ✾✦ ────────────


Araw ay nakatungo rito sa kalupaan
Ito'y nanonood, payapang kalangitan
Mata'y ipinikit para maglakbay sa nakaraan
Sarili'y tumakbo, pabaliktad sa orasan


Malinaw na nakapinta, nakangiti mong larawan
Mainit na haplos mo'y nakatatak sa katawan
Ang bawat salita mo'y nakaukit sa isipan
Alaalang regalo mo'y kailanma'y 'di malilimutan


Minsa'y iyong sinabi, "Huwag mo akong iwanan"
Aking Ama, ako'y naririto, kamay mo'y hahawakan
Ngunit tali ng sumpaa'y napatid nang biglaan
Ako'y iyong iniwan, ako'y tuluyang binitawan


Sa aking pagtapak sa inaasam na entablado
Kwintas ng karangalan, nais kong isabit mo
Bawat kabanata ng buhay, nais kong subaybayan mo
Subalit paano? Tadhana'ng naglibing sa pangalan mo


Mata'y iminulat sa tunay na reyalidad
Sa hinaharap na 'di tiyak at walang seguridad
Sa natitirang pahina, kahit pangalan mo'y 'di nakasaad
Sana'y samahan mo, saanman ako mapadpad


Ngayo'y naglakbay muli pabalik sa kasalukuyan
Tiningalang kalangitan, binalot ng kadiliman
Unti-unting bumuhos, umiyak ang kaulapan
Sa likod nito'y ngingiti kahit puso'y luhaan


Sa madilim na kataasan, ikaw ay nananahan
Sa putikang kalupaan, ikaw ay nagmamanman
Ika'y sisilip sa katapusan ng kwento ng ulan
Makulay na obra mo'y pahiwatig, ikaw nga'y nariyan


'Ikaw ang pintor ng bahaghari, ang papawi sa pighati at magbibigay-kulay sa nasirang ngiti.'

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon