ARAW AT BUWAN

6K 71 41
                                    

───────── ✦ ✾ ✿ARAW AT BUWAN✿ ✾✦ ─────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

───────── ✦ ✾ ✿
ARAW AT BUWAN
✿ ✾✦ ─────────


Sa maitim na himpapawid
Liwanag ko'y umaaligid
Sa maaliwalas na paligid
Presensiya mo'y mababatid


Isa't isa'y nagniningning
Sa nakatakdang paggising
Ngunit oras ang papaling
Sa pag-asa ng ating hiling


Sa pagdilim ng langit,
Liwanag mo'y aking sambit
Sa tuwing gabi'y sasapit,
Sa iyong ilaw ko nais kumapit


Sa asul na alapaap
Liwanag ko'y iyo ring hanap
Nais damhin parehong yakap
Ngunit malabo ating pangarap


Ang oras na saglit
Patuloy na ipinipilit
Pagkakatao'y ipinagkakait
Upang tayo'y 'di magkalapit


Sa mga matang pumipikit,
Pangarap ba ay nakakamit?
Ang hiling na palaging sambit
Posible kayang masungkit?


Paano ba tayo magkakalapit?
Paano ba ako sa'yo makakalapit?
Bakit ang tadhana'y mapanakit?
Maghihintay nalang ba ako at pipikit?


'Ikaw ang araw at ako ang buwan sa magkaibang langit'


☘ Zev
~THE VLACK KOSMOS~
(Kabanata 7)

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now