KWENTO NG MANLALAKBAY

160 3 0
                                    

─────────────── ✦ ✾ ✿KWENTO NG MANLALAKBAY✿ ✾✦ ───────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

─────────────── ✦ ✾ ✿
KWENTO NG MANLALAKBAY
✿ ✾✦ ───────────────



Heto na naman, ako'y naglalakad
Panibagong simula, aking hinahangad
Daplis ng init, pakiramdam na walang katulad
Liwanag ng araw, sa silanga'y handa nang mamukadkad



Sa bawat paghakbang, suot ang katatagan
Disyerto ng pagsubok, aking lalagpasan
Sa buhanging nilalakaran, kakapit ang talampakan
Hindi titigil, manuyo man ang aking lalamunan



Ngayo'y narating ang payapang dalampasigan
Gumawa ng musika ang hangin ng katahimikan
Ritmo ng alon, direksyon ng kapalaran
Sakay ng bangka, patungo sa 'king paroroonan



Bahagyang tumigil sa gitna ng karagatan
Unti-unting dumilim, maputing kaulapan
Bagyo ng pagsusulit, sinubukan akong hadlangan
Ngunit muling ngumiti, mabait na kalangitan



Bitbit ang katapangan, narating ang kalupaan
Biyahe sa tubig, matagumpay kong nalagpasan
Ngayo'y kumakaway, kakahuyan sa 'king harapan
Oras na para tahakin, nakakalitong kagubatan



Sa aking pagpasok, sarili'y pinakiramdaman
Nais magpahinga nitong pagod na katawan
Sa ilalim ng puno, sa kahoy na sinandalan
Sa paghuni ng ibon, nagpasalamat sa kalikasan



Paghampas ng hangin, taas-noo kong dadamhin
Mapuwing man, daang pataas, aking tatahakin
Hindi susuko sa pag-akyat nitong bulubundukin
Patungo sa tuktok, patuloy akong mananalangin



Sa wakas, inaasam na dulo, nagawa kong akyatin
Ang pagod, paghihirap, nagawa kong talunin
Minimithing katapusan, ito ang magandang tanawin
Ang tagumpay na nakamtan, ito'y sariling akin



"Ito ang kwento ng isang manlalakbay. Walang humpay na nagpapatuloy upang marating ang tagumpay."

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now