──────── ✦ ✾ ✿
SARILI'Y MAHALIN
✿ ✾✦ ─────────Ito ay nagsimula sa dilim
Sa kadilimang pinupuno ng lalim
Sa badyang dala ng ulap na makulimlim
Bagyo sa loob ay naging lihimSa puntong 'di ko na makayanan
Dumating nang 'di inaasahan
Ako ay biglang biniyayaan
Ikaw na ilaw sa kadilimanAng aking mundo'y biglang nagbago
Luha't lungkot, pilit na 'tinago
Pagbabagong 'di alam kung sa'n ang tungo
Ito nga ba ang totoong ako?'Di ko na alam ang nangyayari
Pagbabago'y 'di ko na mawari
Kilos ay naging utos ng may hawak sa tali
Katawang ito, sino ng may ari?Lumayo sa tunay na sarili
Ito'y landas na aking pinili
Ikaw ang nais kong makamit sa huli
Pipiliting maging tama kahit na maliAko'y siya sa iyong paningin
Taong hindi ko kayang alisin
Pagkatao ko man ay burahin
Para sa iyo'y aking gagawinKasinungalingang para sa'yo
Ginawa ko nang 'di ka lumayo
Patawad nalang sa sarili ko
Kinakailangan mong maglahoSuot ang maskarang mapagpanggap
Pangit na ako'y di na mahanap
'Pag tunay na ako ang 'yong kaharap
Pag-ibig ko ba ay matatanggap?Sa bawat patak ng oras
Tunay na ako'y nagpupumiglas
Pag-ibig ko man sayo ay wagas
Unti-unti na rin itong nalalagasPagod na ako sa pagpapanggap
Katotohanan na ang aking hanap
Hindi mo ako kayang matanggap
'Pag tunay na ako ang iyong kaharapSarili'y handa na muli para sa bagyo
Haharapin ito gamit ang liwanag ko
Handa na akong magpaalam sa'yo
Sa liwanag na nagkulong sa tunay na akoSa wakas, ako'y naliwanagan
Sarili'y dapat pahalagahan
'Di dapat kita ipinaglaban
Sapagkat sarili ang aking kailanganHindi ko kailangang magbago
Sapagkat ito ang tunay na ako
Ang dapat mahali'y sarili ko
Ngayon ay akin nang napagtantoKahit walang 'ikaw,' mayroon akong 'ako'
☘ Zev
~VLACK KOSMOS~
(Kabanata 24)
YOU ARE READING
𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔
Poetry"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰)