───────────── ✦ ✾ ✿
HILING SA BULALAKAW
✿ ✾✦ ─────────────Sa aking pagpikit, dinama ang kalamigan
Simoy ng hangin, gabi ng katahimikan
Sa ilalim ng buwan, nais kong masilayan
Ang kahapong sinubaybayan ng kalangitanMistulang bituin sa gitna ng kaguluhan
Natatanging liwanag, bida sa kadiliman
Bakanteng espasyo, nagkaro'n ng kabuluhan
Isang kagustuhan, sa dilim ay aking natagpuanLumapit sa iyo, ikaw ay aking nahagkan
Puwang sa pagitan natin, tuluyan nang nawakasan
Noo'y sigurado sa mahika ng walang-hanggan
Ikaw at ako, inakalang walang katapusanNais mong hanapin, liwanag sa kawalan
Munting pangarap para sa iyong pangalan
Nais kang maningning, ika'y 'di pipigilan
Sa kalawakang ito, kamay mo'y aking pakakawalanSa huling pagkakataon, bago mo 'ko talikuran
Nagbitiw ng salita, pangakong 'di malilimutan
Sa gabing iyon, gumawa ng sariling kapalaran
"Balang araw, itutuloy ang pagmamahalan"Mata'y iminulat sa sakit na naramdaman
Luha'y pumatak, sa maitim na berdeng damuhan
Sa gabing ito, yumakap muli ang ating nakaraan
Ang inaasam na liwanag mo, wala na sa kasalukuyanSa ating pangako, ikaw ang unang bumitaw
Ang minimithing pangarap, 'di na rin matatanaw
Sa ginawang paghihintay, pighati ang lumitaw
Sinumpaang pag-ibig, wala na ang 'ikaw'Kalangita'y nanonood sa ginawang pagbalik-tanaw
Sa ating pangakong kasabay mo pumanaw
Sa aking pagtingala, atensyon ay napukaw
Ipinikit ang mata sa pagbagsak ng isang ilaw"Muli sanang mangyari ang ating balang araw, kung saan tayo at walang-hanggan ang magiging saklaw," 'yon ang aking hiling sa bulalakaw
YOU ARE READING
𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔
Poetry"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰)