──────────── ✦ ✾ ✿
SAPLOT NG HAPLOS
✿ ✾✦ ────────────Sa huni ng lagim, ako'y napalingon
Ngisi sa dilim, nakakakilabot na reaksyon
Iniwas ang tingin, inilipat ang atensyon
Sa daang tinahak, ako'y binalot ng tensyonSa bawat pagliko, siya'y nakabuntot
Naririnig ang yabag, anino ng kilabot
Puso'y kinabahan, dumagundong sa takot
Kinatatakutang paglapit, 'di na naudlotPatalim ng pananakot, kaniyang dinukot
Itinutok sa akin, kamay ko'y hinablot
Hindi nakagalaw, damit ay nilukot
Yakap ng kayamuan, sa akin ay isinuotAko'y kinaladkad, hinila sa buhok
Dinala sa tago, isang sikretong sulok
Imahe ng dahas, mata'y sa'kin nakatutok
'Di makaalpas, anuman ang gawing subokMakasalanang kamay, ako'y iginapos
Bawat parte ko'y pinasadahan ng haplos
Impit na sigaw, boses ko'y napapaos
Sa bawat galaw, mainit na luha'y bumubuhos"Tama na!", sigaw ng pagmamakaawa
Umiiyak na tinig, tenga'y 'di handang umunawa
Kasabika'y nag-uumapaw, mata'y walang pagsasawa
Pag-asa'y naubos, tuluyan nang walang nagawaSa aking paggising, nakamit ang katapusan
Isang panaginip, alaala ng karimlan
Sugat sa pagkatao, peklat ng nakaraan
Habang-buhay na dala, araw-araw kong nararanasanMaayos na pananamit ay hindi sagot
Maiksi, mahaba, anuman ang 'yong suot
Kasamaan, nariyan, patuloy na bumabalot
Nagbabadyang karahasan, nasa tao ang gusot'Ako'y habang-buhay na nakagapos suot ang saplot ng haplos'
YOU ARE READING
𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔
Poetry"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰)