Chapter 02

408 14 1
                                    

"Tama na," Maverick took out the bottle from my hands.

"Huh? No, we're here to have fun!" Tumatawang sabi ko kay Maverick. Tumayo ako at inindak ang katawan ko kasabay ng tugtog dito sa loob ng bar.

"Cha, tama na 'yan. Lasing kana," I looked at Maverick who was currently dragging me to the couch.

Nagpadala lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na niya akong ma-i-upo. I picked up the glass with an alcohol on it. I drink it continuously, ignoring its taste. Lucas just broke up with me. Ang bwisit na lalaking 'yun. Sayang 'ang oras na binigay ko sa kanya. Sinaktan niya lang ako.

Sa loob ng mahigit isang taon namin pagsasama. Akala ko hindi niya ako sasaktan kasi ang alam ko napatino ko na siya pero hindi pala. Ang tanga ko sa part na 'yon.

"Tignan mo nga sarili mo, Cha..." I turned my gaze in front of me. I smiled as I saw Maverick.

"Hoy!" Tawag pansin ko sa kanya. Tinignan naman niya ako. "Bakit ganyan kayong mga lalaki? Mga nang-iiwan," I kept on smiling at him.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. "Siguro, iiwan mo rin ako," I said, staring intently at his eyes.

"Iwan ka man ng mundo, asahan mong nasa tabi mo pa rin ako," nakangiting sabi niya kaya inilayo ko ang mukha ko sa kaniya. "Kaya halika na, uuwi na tayo." He come close to me and touched my waist to support me from walking.

After a minutes, I didn't hear any noise but the sound of the vehicle passing through the road. Tinignan ko kung nasaan kami. Nasa gilid pala kami ng kalsada. Nakaalalay lang sa akin si Maverick habang naglalakad kami.

"Nasa malayo 'yung kotse ko," usal niya. Muntik na akong matumba buti nalang nasalo niya agad ako. I looked at my heels. It was broken.

"Ayan, sira na! Sira na nga ako, nasira pa 'yung heels ko! Paano na ako makakabangon nito?!" Sigaw at paninisi ko sa kaniya. "'Wag mo na kasi akong hawakan, okay? Hindi ako lasing," umupo ako at hinawakan ang heels ko. Sira na talaga!

"Charlotte, tumayo ka riyan," Maverick guided me to stand up. Umiling-iling ako sa kaniya at umupo lang ako roon. Ang mga luha sa mata ko ay patuloy na naglalandas pababa sa mukha ko.

"Mave, masama ba akong tao?" Tanong ko at tinignan ko siya. He sighed and guided me again to stand up. Hinayaan ko nalang siya. "Ano bang ginawa kong mali?" Tanong ko pa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad kahit na gumegewang-gewang ako. Hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari.

Kinabukasan, nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. My phone rang so immediately answered who was calling me.

"Hello?" Rinig ko mula sa kabilang linya. It's Maverick. "Gising ka na ba?" He asked.

I leaned my back at the headboard of my bed. "Oo," I answered back.

"Ano? Masakit ba ulo mo?" Natatawang tanong niya pa. "Ayos ka na ba?" Biglang seryosong tanong niya nang hindi ako nagsalita.

I sighed. "Medyo masakit pa... ulo ko," mahina kong usal. "Teka..." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. "Hindi ko sure kung ayos na ba ako,"

I heard him chuckled. "Sige, kinamusta lang kita. Tawag ka lang sa 'kin kapag may kailangan ka." Agad niyang pinatay ang tawag.

I get up from my bed and directly went to the bathroom. Nang matapos akong maligo ay bumaba ako para itanong kung anong nangyari sa akin kagabi at paano ako nakauwi.

"Ma!" Tawag ko kay Mama nu'ng hindi ko siya nakita sa kusina. Pumasok ito sa bahay kagagaling lang sa labas, nagdilig ng halaman.

"Ano?!" Sigaw niya sa akin. Inantay ko muna siyang makarating sa kusina bago nagtanong.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now