Chapter 20

63 5 0
                                    

"Narinig mo ba 'yung balita?"

Bahagya akong napatigil sa paglalakad sa hallway nang sabayan akong maglakad ni Jilyn. I went to work early, hindi ko naman alam na maaga rin pala siyang pumapasok.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hindi alam kung anong ibig niyang sabihin. Wala naman akong nababalitaan, hindi rin ako mahilig manood ng balita sa TV dahil nga busy ako sa trabaho.

"Balita?" I asked, confused.

She rolled her eyes. "Oo. Mag-e-extend daw ang company natin sa Singapore."

Agad akong tumingin sa kanya dahil sa nalaman. I didn't know that! Ni wala nga akong nababalitaan na ganiya, basta ang alam ko lang ay mas dumarami ang tumatangkilik sa products namin.

"Saan mo naman nalaman?" Tanong ko, hindi agad naniwala dahil hindi pa naman sinasabi sa amin ng boss.

She thumped her feet to the ground which caused a little noise. "Ano ba 'yan? Ang taas ng posisyon mo rito, hindi mo naman alam ang mga bali-balita!" She squiggle at me.

I pouted. "Busy kasi ako..." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Pero ayon nga, sabi nila mag-e-extend daw sa Singapore. Bye!" She turned to the right and waved her hands to me. Nandoon na kasi siya tapat ng office nila. Kumaway naman ako pabalik.

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan na maisip 'yong sinabi niya. I haven't heard that news, even inside our company. Kung bali-balita pala 'yon, e bakit parang hindi ko naman naririnig ang mga ka-trabaho namin na pinag-uusapan 'yon? Sabagay, halos nasa loob nga lang pala ako ng opisina ko at hindi lumalabas dahil sa tambak na trabahong nag-aabang sa akin doon.

When I was able to fix the papers that I needed to be signed by Madam Grace, I went out of my office and marched to her office while holding the bunch of papers. Narating ko naman agad 'yon kaya kumatok muna ako sa glass wall ng kanyang office. Her office was made of a glass. Ang salamin ay ang nagmimisulan niyang dingding gayon na rin ang pinto niya.

She signaled me to come inside so I did. I sat in front of her. Inayos ko ang mga papel upang iharap sa kanya nang magsalita siya.

"Send me the reports next week. U-Uh, Charlotte?"

Agad na napunta ang tingin ko kay Madam Grace at natigil ang ginagawa kong pag-aayos ng mga papers. Inaasahan ko nang talaga na next week ko na kailangan ipasa ang mga reports.

"Po?" I asked.

"Can you do me a favor?" She said in a sweet tone. She held her pen and took the papers that were placed in my hand. Marahan ko naman iyong binitawan para makuha niya.

Tumango ako bilang sagot. Gusto ko ring kumpirmahin 'yung sinabi sa akin ni Jilyn kanina. Since, it's just a rumour and we haven't confirmed it yet from her. Ayoko rin namang basta lang maniwala sa mga sabi-sabi at bali-balita.

"Pwede bang ikaw nalang din ang tumingin sa main shop natin?" She stated, her attention was still on the papers' she's signing.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinambit niya ngunit agad ding nakabawi at tumango sa bilang sagot sa tanong niya.

"I already assigned it to the other yesterday, pero hindi naman napuntahan dahil sa biglaang emergency raw. Don't worry, you're just going there and give me the data. Hindi na ikaw ang gagawa ng reports." Mahabang paliwanag niya, napansin siguro niya ang pag-aalangan sa mukha ko.

It's not that I can't do it, it's just that it's not my job to do the reports. Yes, I can visit the shop to get the data pero hindi ko pa kayang isabay 'yung paggawa ng reports no'n dahil nga may gagawan din ako ng report. Hindi ko kayang pagsabayin ang dalawa.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum