Chapter 09

103 8 0
                                    

"Hoy, Wyne!"

Sinamaan ko ng tingin si Jilyn dahil sa sigaw niyang 'yun. She's here in my office at kausap si Wyne sa telepono niya. Hindi raw pumasok si Wyne dahil masama ang pakiramdam.

"Ano?! Tanga, nagtatae ka?!" Tumawa pa ito. "Ayan, ang takaw kasi,"

She ended the call after she laughed so hard. Ewan ba rito, parang tanga! Nagtatae lang naman 'yung tao akala mo naman hindi nangyari sa kanya 'yon.

"Ano sabi?" Tanong ko rito.

"Ewan du'n, nagtatae raw. Parang namimilipit pa sa sakit ng tiyan," tumawa ito nang napakalakas kaya naman napangiwi ako. "Diyan ka na nga, aalis na ako,"

Matapos magpaalam ay tuloy tuloy itong umalis. Nambulabog lang naman dito!

Tinapos ko lang 'yung ilang trabaho ko at bumaba ako para pumunta sa coffee shop.

As I entered the coffee shop, I noticed that there are so many customers. Nakita ko si Mayumi na busy kakaasikaso sa counter kaya pinabayaan ko na lang ito.

I ordered one cappuccino. Nang ma-i-served na ito sa akin ay nagulat pa ako dahil si Mayumi ang nag-served.

"May reunion daw, ah?" Bungad nito sa akin at umupo.

"Oo nga raw," I said and sipped my coffee.

She took out her phone from her pocket and looked at something there. "Three days from now?" Nakakunot na sabi nito.

"Nag-si-seen ka pa ba sa GC?" Tanong pa niya.

Umiling ako at humigop ng kape. "Busy ako," I said and laughed softly. "Pupunta ka ba?" Tumingin ako sa kaniya.

"I don't know," she said. Tumingin din ito sa akin at sabay kaming natawa. "Text kita kapag pupunta ako,"

"Sige, kapag pupunta ka, pupunta ka rin ako." I smiled at her.

We also talked about other stuff. When she left because there were so many customers, I just waved my hands on her, saying goodbye.

As I reached our building, I was surprised when I saw Maverick standing outside my office. He was looking at his watch, as if he was running out of time. Napangiti ako nang nakaharap siya sa pinto ng office ko at nakasandal doon.

"Hoy," tawag ko sa kaniya.

I saw how surprised he was when he saw me. Agad din naman siyang ngumiti. "Kanina pa kita inaantay," mahinang sabi niya.

I opened my office and gestured him to go inside. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya nang makaupo ako sa couch.

I was shocked when he sat at my swivel chair, sitting pretty. Ako nasa couch lang, siya nasa swivel chair ko. Wow, huh?

Pinagkrus niya ang kamay niya habang nakaupo at pinagmasdan ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. He didn't stop and he just continue observing me.

"Hoy!" I shouted at him, irritated. Ngumiti lang ang loko at tumawa pa ng mahina.

He cleared his throat and started talking. "Nabalitaan mo ba?" He asked. Hindi ako sumagot kaya ipinagpatuloy niya ang sasabihin. "Uulan daw ng kagandahan mamaya, labas ka, ah?" Pang-aasar nito sa akin.

"Wala ka bang trabaho?" Inis na tanong ko sa kaniya. "Effort mo, ah? Pumunta ka talaga rito para mang-asar,"

I took a deep breath, controlling myself to shout at him. I get up from the couch and come close to him. Nagulat pa siya nang humarap ako sa kaniya na nakapamewang.

"Bakit ka ba nandito?" Pigil na inis na tanong ko.

Hindi siya sumagot at sumandal sa swivel chair ko na parang ayaw niya umalis. I pulled him out of the swivel chair but I failed. Masyado siyang malakas. Hinila ko ulit siya pero nainis lang ako lalo dahil tumawa ito at tumayo nang kusa.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now