Chapter 34

63 2 0
                                    

"Happy birthday, Mama!"

Bati namin nina Kuya Charles kay Mama nang magising siya at pababa ng hagdan. Kuya Charles and Kuya Charlie went home at very early in the morning and they woke me up to surprise our mother.

Kuya Charles immediately approached Mama while holding the cake they bought on the way here. Nakangiti si Mama nang makita niya kami. Kuya Charles, Kuya Charlie, Rhina, Ate Loucel, Eina, Eisen, Rhai, Papa and I sung a happy birthday.

"Blow the candle, Lola!" Eina shouted while clapping her hands.

Nang ma-blow ni Mama ang kandila ay nag-palakpakan sila. "Ang aga niyo naman dito, Charles,"

"Syempre naman! Aba, birthday yata ng pinakamagandang nanay sa mundo!" Pang-uuto pa ni Kuya Charles kay Mama.

Napairap ako bago mapangiti. Nagkwentuhan pa muna kami bago ako nagpaalam sa kanila na maliligo na. I had to take a bath early because I am waiting for the catering. Si Mayumi ang tumulong sa akin na maghanap ng magpapa-cater. It was Rhina's idea, she said Mama won't do any house chores on her birthday and we agreed to that.

After taking a bath, I just wore a simple white dress that gives compliment on my body. Pagkababa ko ay inaayos na nila 'yong place na paglalagyan ng mga lamesa at upuan. I saw my mother trying to help the others to arranged the chair but I almost laughed when I noticed Kuya Charlie forcefully getting my mother's attention.

"Kuya talaga," I uttered while watching them.

Natigil lang ako sa panonood sa kanila nang mag-ring ang phone ko. Inaasahan kong si Mayumi iyon ngunit nang tignan ko ay si Vien.

"Hello?" I answered, lumayo ako nang kaunti para marinig ang kaniyang sasabihin.

"Charlotte, we're on our way." He said.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "We're?! May kasama ka?" Natutuwa kong tanong.

He chuckled. "You'll see later... I'll hang up now. I'm driving." He immediately hung it up before I could even say a word.

Nakanguso kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa. Naglakad ako nang nakatungo ang ulo ngunit inangat ko rin naman nang may mabunggo ako.

"Hindi naman kasi tumi—" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang nagtuloy-tuloy 'yon sa paglalakad.

Nang tingnan ko ang likod niya ay nakilala kong si Maverick 'yon. Bago siya makapasok sa loob ng bahay ay humarap siya sa akin. "May naghihintay sa 'yo roon sa may gate," suplado niyang sabi at nagpatuloy sa paglalakad.

Napakurap pa ako bago naglakad papunta sa gate. My phone rang before I could even reach the gate so I stopped and answered it. It was Mayumi.

"Girl, papunta na raw 'yong cater. Wait mo, huh? Papunta na rin kasi ako." She said.

"Sige, bilisan mo." And with that, she ended the call.

I immediately walk to saw who's waiting for me outside. I almost shout when I saw Vien, he was carrying Jia. Lumapit ako sa kanila at agad na niyakap si Jia kahit na buhat-buhat pa siya ng tito niya.

"Tita, I can't breathe—"

"Sorry! I just miss you so much!" I chuckled.

Ibinaba ni Vien si Jia kaya hinawakan ko ang kamay nito para akayin papasok sa loob. "Kailan pa kayo rito?" Kinalbit ko si Vien para humarap siya sa akin.

"Yesterday," he simply said, so I nodded.

Nang makarating kami roon ay agad na lumapit sa amin si Mama. She was wearing a blue dress.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora