Chapter 33

61 1 0
                                    

"Anak, hinahanap mo pa rin ang papa mo?"

Napatigil ako sa pagsubo ko ng kutsara na may pagkain nang biglang nagtanong si Mama. I just arrived at home and we were eating our dinner. Ibinaba ko ang kutsara ko at tumango sa kaniya.

"Really, Kuya?" Mavi sarcastically asked. "After what he did to us. He abandoned us... I graduated elementary without him in our life, we graduated high school and he didn't even show up." She narrated.

Huminga ako ng malalim at hinarap ang kapatid ko. "Mavi, he's still our father," malumanay na sabi ko sa kanya.

"Father?" She laughed. "Kuya, hindi ka ba nagtataka? Nakapagtapos ka ng college tapos hindi mo man lang nakita ni anino niya. A father, huh?" She rolled her eyes.

Natahimik kami pagkatapos niya iyong sabihin. Totoo ang sinabi niya, ni hindi ko man lang nakita ang anino ni Papa noong nakapagtapos ako ng kolehiyo. Uminom ako ng tubig at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kumain ay akmang aakyat na ako para makatulog ngunit nagsalita si Mama.

"Hindi mo makikita 'yon kung ayaw niyang magpakita..." She simply said.

Natulala pa ako sandali bago tumango at umakyat papunta sa kwarto ko. Dumeretso ako sa kama ko at pumikit nang mariin.

Putanginang buhay naman 'to! Akala ko kapag tapos na ako sa pag-aaral, mas magiging madali pa rin sa akin hanapin si Papa... mas lalo palang humirap.

Itinakip ko ang braso ko sa mga mata ko sandali atsaka tumayo para makaligo't makapagpalit ng damit. Matapos maligo ay naghanap ako ng maisusuot kong damit. Habang naghahalungkat ako ng damit ay biglang tumunog ang cellphone ko.

My eyebrows furrowed when Charlotte name appeared on the screen. Agad ko itong sinagot at itinapat sa tainga ko.

"Maverick! Wala na... wala na kami, ang kapal talaga ng mukha nu'ng bwisit na lalaking 'yun!" I instantly distance my phone from my ears. Ang lakas ng boses niya.

"Nasaan ka?" Tanong ko at lalo lang kumunot ang noo ko nang bigla ay umiyak siya. "Cha?! Nasaan ka?" I asked again.

She stopped from crying and told me where she is. Agad akong nagbihis at walang sabi-sabi na umalis ng bahay. Nang makarating ako kung nasaan siya ay nasapo ko ang noo ko nang makitang tulala siya at parang wala sa sariling nakaupo lang doon.

"Siguro, iiwan mo rin ako," napangiti ako sa sinabi niyang iyon dahil alam tinamaan na siya ng alak.

I heaved a sigh and looked directly at her eyes. "Iwan ka man ng mundo, asahan mong nasa tabi mo pa rin ako," I uttered.

"Mama! I'm home!" Inilalayan ko si Charlotte papasok sa bahay nila dahil wala na siya sa ayos maglakad.

Ihinarap ko siya sa akin. Nagtataka siyang tumingin sa akin at maya-maya'y ngumiti ng malawak.

"Cute mo," she said.

Hindi ko siya pinansin. Kinatok ko ang pinto atsaka siya ipinasok sa loob. Naabutan ko ang mama at papa niya na nanonood sa sala.

"Anong nangyari riyan?!" Tanong ng Mama niya.

"Ma! Wala na kami ni Lucas! Doon na siya sa kotse niya!" Natatawang sigaw ni Charlotte.

Her mother looked at me, asking if Charlotte was telling the truth. I grinned at her. "Tanungin niyo na lang po siya bukas," sabi ko.

Muntik ko na siyang mabitawan nang bigla siyang humarap sa akin at sumuka.

Potek, kulay puti pa man din 'tong suot ko!

Dinala ko siya sa kwarto niya at pinagmasdan. Ang ganda sana kaso tanga. Natawa ako dahil sa naisip ko. I went out of their house to get the necklace I bought for her in the car. Nang makabalik sa kwarto niya ay inilagay ko iyon sa side table niya kasama ng note.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now