Chapter 27

46 1 0
                                    

Noong sinabi ko na wala akong pinagsabihan na uuwi na ako ay totoo pero nang dumating ako sa airport laking gulat ko nang makita roon si Wyne at Jilyn na hinihintay ako.

"Bakit niyo alam?" Ngumuso ako at hinarap sila.

They just laughed and shrugged their shoulder. "Ano sa tingin mo?" Tanong ni Jilyn at ngumisi.

Ibinigay ko kay Wyne 'yung dala ko para ipasok niya roon sa sasakyan.

"Bwisit na Alvin 'yon," reklamo ko.

"Tara na, para makapag-pahinga ka na." Tumingin ako kay Wyne at namamanghang tinignan siya.

"Wow, Wyne! Ang bait mo yata?" Biro ko sa kanya. He just smiled at me. Hinampas ko ang braso niya dahil hindi siya nagsalita, e kung dati naman ay lagi siyang maingay.

"Wala bang yakap diyan?" Natatawang tanong ko sa kanilang dalawa.

Jilyn immediately went close to me and embraced me. Niyakap ko siya pabalik at napangiti. I miss her.

Nang kumawala siya sa yakap ay hinarap ko si Wyne at pinagtaasan ng kilay. "Hoy, ano?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin nang nandidiri at niyakap ako. "Okay na ba?" Tanong niya at kumalas sa pagkakayakap.

"Group hug!" Sigaw ni Jilyn at yumakap sa aming dalawa. "Picture muna pala tayo, i-s-send ko kay Alvin." She took out her phone from her pocket and took a picture of us. "Okay, 1... 2... 3..." Pinindot niya pa ng isa.

"Tara na," sabi ko at pumasok sa loob ng kotse ni Wyne.

Nag-k-kwento lang sila ng mga nangyari sa buhay nila noong wala ako rito. It was nice hearing stories about them. Na-miss ko 'yung ganitong bonding namin, nakakalungkot lang na wala si Alvin.

"Alam ba nila tita na uuwi ka na?" Tanong ni Wyne at bahagyang lumingon sa akin bago ibalik ang tingin sa kalsada.

Umiling ako. "Surprise nga, 'di ba? Epal lang kayo, e!" I told them and rolled my eyes.

"Eh, si Maverick?" Biglang tanong ni Jilyn.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse. Hindi makapagsalita si Wyne at patuloy lang sa pagmamaneho, tinignan ko si Jilyn at mukha siyang natauhan sa itinanong niya.

I breathe out heavily. I don't know what to say. I thought I am ready to face this kind of topic... about him. Akala ko lang pala, hindi pa pala ako handa.

"D-Do I need to tell him?" I uttered slowly. "We're over and it's been 3 years." Dagdag ko pa.

"Bago naging kayo, magkaibigan muna kayo," Jilyn said, stating a fact. "And I think it's time for the both of you to talk about what happened before." Sabi niya at tinignan ako.

"Marami na kayong napagdaanan. A month after you left for Singapore, his father died. Muntik pa nga 'yong lumuhod sa harap ko, sabihin ko lang daw na nag-si-sinungaling ako na nasa ibang bansa kana." Pag-k-kwento ni Jilyn.

"A-Ano?" I asked, shocked was planted on my face. "N-Namatay ang papa ni Maverick?" Hindi makapaniwala na tanong ko.

Huminga siya nang malalim bago tumango at ngumiti nang pilit sa akin.

Simula noong umalis ako rito ay hindi na ako nakarinig ng balita galing sa kaniya at iniiwasan ko rin naman. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Dapat ba akong maawa sa kaniya... hindi ko alam. I want to hate myself for leaving him alone. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko. Naiisip ko palang na hinarap niya mag-isa ang ganoon klase ng problema ay nasasaktan ako.

"P-Paano?" I uttered out of the blue.

"Hindi ko na alam kung ano ang dahilan at ang nangyari, kaya nga sabi ko sa 'yo, you should talk to him..." si Jilyn.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora