Chapter 37

53 4 0
                                    

"Kuya!"

Natigil ako sa pagngiti ko nang bigla akong alugin ni Mavi. May ngiti sa labi akong tumingin sa kaniya. "Bakit?" Pagtatanong ko.

Mavi looked at me, her brows furrowed. "Kanina ka pa nakangiti, Kuya. Maiisip kong baliw ka na," she stated again.

Ngumiti lang ako sa kaniya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Kumakain nga pala kami ngayon, hindi lang mawala sa isipan ko na kami na ni Charlotte. Pakiramdam ko kasi ay hindi ito totoo. Parang panaginip lang ang lahat.

"Anak, hindi ko mawari kung susubo ka ba o ano. Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?" Napatingin ako kay Mama. Kunot noo niya akong pinagmamasdan at sinusuri nang mabuti. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at ngumiti pa nang todo.

Nakakabaklang isipin na ganito ang nangyayari sa akin nang dahil kay Charlotte. Ganito pala ang pakiramdam dahil matatawag mo nang iyo ang babaeng ginusto at patuloy mong ginugusto sa buhay mo. Ang sarap sa pakiramdam, ngayon ko lang naramdaman 'yong ganitong pakiramdam. Hindi ako masaya dahil sobrang saya ko.

"Ano bang nangyari, Kuya? Tungkol ba 'to kay Ate Charlotte? Umamin ka na ba sa kaniya? Did she accept your feelings?" Sunod-sunod na tanong ni Mavi habang nakatingin pa rin sa akin.

I licked my lower lip and brushed up my hair. "None of the above," nakangiting sambit ko.

"E, ano pala?" Tanong ni Mama.

Tinignan ko silang dalawa. Ang dalawa pang babaeng mahalaga sa buhay ko. Napakamot ako sa noo ko. Ganoon ba ka-obvious na masaya ako at nahalata agad nila?

"Ganito kasi 'yon, Ma, Mavi…" Panimula ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Gusto ko sana na kapag sinabi ko na ay kasama ko si Charlotte kaso ay masyado akong halata at kilala ng dalawang ito.

"Fine! Charlotte and I are now in a relationship!" Mabilis na sambit ko dahilan para bitawan nilang parehas ang hawak nilang kutsara't tinidor at takpan ang kanilang mga bibig. Gulat na gulat sila, halata mo sa mga mukha nila.

Ang sabi ni Charlotte ay huwag muna itong sabihin kahit na kanino pero hindi ko mapigilan! Makukulit 'tong dalawang 'to! Walang makakapigil sa mga gusto nilang gawin at malaman!

"Totoo, Kuya?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mavi, nanlalaki pa ang mga mata. Tumango ako bilang sagot. "P-Paano?!" Pagtatanong niya ulit.

"Ano namang akala mo sa 'kin?" Offended na tanong ko.

Mavi removed her hand on her mouth. Nakangiti siya sa akin. "Well, I thought you would just hide your feelings forever from Ate Cha." She commented.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, anak?" Napatingin ako kay Mama. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa sinasabi ko. Ano bang akala nila sa akin? Sinungaling?!

"Mama naman, e." I said and continued eating.

Natahimik kami nang ilang minuto. Maya-maya lamang ay nagtanong na naman si Mavi.

"Pero totoo talaga, Kuya?"

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa kakulitan niya. "Grabe ka sa kuya mo, Mavi. Syempre… kumpirmahin natin," natatawang sabi ni Mama.

Akala ko naniniwala na, hindi pa rin pala!

Nang matapos naming kumain ay nagprisinta na akong magligpit ng mga pinagkainan namin at maghugas. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero ang pakiramdam ko ngayon ay sobrang sipag ko at kayang-kaya kong gawin lahat ng gawaing bahay.

Matapos kong gawin ang mga iyon ay nakita ko pang nandoon sina Mama at Mavi sa sala. Mavi were calling someone. Hindi ko na sana 'yon papansinin at aakyat na sa kwarto ko nang marinig ko kung sino ang kausap niya.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now