Chapter 26

42 2 0
                                    

"Naayos mo na mga gamit mo?"

Tumingin ako sa kay Alvin na katatapos lang maligo. Tumango ako sa kaniya at ibinalik ang tingin sa laptop ko.

"Alam ba nila Jilyn na uuwi ka?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Walang may alam, sinabi ko kasi kay Madam Grace na 'wag nang sabihin sa kanila kasi nga surprise," I looked at him, he was just nodding while stunting.

Napangiti ako dahil hindi niya inaalis ang tingin kung saan at nakatulala lang. "Are you ready?" I asked and smirked at him.

Kumunot ang noo niya at nagtatakang ibinaling ang tingin niya sa akin. "Ready?" Tanong niya.

I chuckled and crossed my arms. "Ready for a new responsibility," I said while grinning.

"Huh?" He asked, confused.

I covered my mouth using my right hand and my eyes become bigger. "Hindi mo alam?" Nagtatakang tanong ko. "Ikaw ang papalit sa 'kin," I calmly said.

"Ah, alam ko na 'yan, sana kaya ng beauty ko!" He said and acted like he flipped his hair.

Tinitigan ko siya. He's with me while I'm here in Singapore, trying to forget all the things that hurt me. I always thought that I am the only one that would make myself happy. Hindi ko alam na isa rin pala siya sa magiging rason kung bakit bumalik 'yong dating ako. Hindi ko malalagpasan ang mahigit three years ko rito kung wala siya. He was the one who cooked for us, the one who taught how to be happy even you had a bad experience.

"Bakit?" Tanong niya nang mapansing nakatitig ako sa kaniya.

I shook my head and gave him an overwhelming smile. "Thank you," I uttered, I felt the tears building up in my eyes.

His brows creased. "Thank you for what?" He asked, still confused. "Bakla! Bakit ka umiiyak?!"

I wiped my tears and went near him to hugged him. Niyakap niya ako, ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at hinimas ang likod ko.

"Thank you for being here with me kahit na hindi ako marunong magluto!" Natatawang sabi ko. "Pwede ka namang tumira sa ibang lugar dito, ang dami namang available but you chose to settle here," niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.

"Wala 'yon, ganoon talaga ang magaganda, nagsasama!" He said and chuckled.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Aalis na ako mamayang gabi, wala ka nang kasama rito," tumayo ako at tinignan ang buong paligid.

This place witnessed our journey here in Singapore. This place will always be stamped in my mind and in my heart even sometimes it's a mess because we couldn't insert it on our schedule but we managed to. I could say that it was my temporary home but it gave me so much comfort.

"Wala nang magagalit sa akin kapag madumi ang bahay, salamat naman!" Pagpaparinig ni Alvin.

I chuckled and roamed my eyes around. "Babalik ako, hindi ko lang alam kung kailan." Sambit ko na siyang ikinatigil niya sa pagdudutdot sa cellphone niya.

"Totoo?!" Tanong niya at tumayo sa pagkakaupo. Niyakap niya ako nang mahigpit at tumalon-talon. "Sabi na e, mahal mo talaga ako! Hindi mo ako kayang iwan."

I distanced myself from him. "Baka magkapalit tayo nang mukha, ayokong mangyari 'yon," I said and made a face.

He strike my arm softly. Nag-usap pa kami saglit bago kami naghanda para sa pagpasok sa trabaho.

Ito ang huling araw ko na papasok sa trabaho dahil mamayang gabi ay aalis na ako. Nakakalungkot na napamahal na ako sa lugar na ito pati na rin sa ibang mga empleyado. My job here was heavy than before, talking to different clients here was so challenging but I did my job well.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें