Chapter 29

44 0 0
                                    

"So... you're back for good? O balak mong doon ka na lang magtrabaho?"

I went to Mayumi's coffee shop because she told me that she misses me. Napanguso ako dahil sa tanong niya. Sumandal ako sa upuan ko, ipinag-krus ang kamay at tumingin sa kanya.

"Hindi ko pa sure, titignan ko pa," ngumiti ako nang bahagya.

It's been two weeks since I left Singapore. Pumunta rin ako rito sa coffee shop ni Mayumi to give her the invitation of my mother's birthday. Hindi naman sobrang bongga no'n, sa bahay lang din gaganapin.

Matapos naming mag-usap ay nagpaalam ako na aalis na ako dahil dadaanan pa ako sa building office ng The Heels. I honestly don't have work for months. Dadaan lang ako kina Wyne tapos pupunta ako sa office ni Madam Grace, Mama wants Madam Grace to attend her birthday.

"Miss Charlotte? Ikaw po ba 'yan?" Ngumiti ako nang makita ko kung sino iyon.

"Kuya Romel?" I asked, unsure if it was him.

"Yes po, Miss Cha. Kailan pa po kayo nakauwi?" Tanong nito at ngumiti sa akin.

"Two weeks ago po," usal ko.

"Ah, tagal na po pala. Sino po pala pupuntahan niyo?" May kinuha siyang log book mula sa isang box at inilabas iyon.

"Nandiyan po ba si Madam Grace?" Tanong ko rito, sumisilip sa may hallway papasok sa loob.

"Opo. Mag-fill up po muna kayo rito sa log book, Miss." I took the log book from him and went to the chair beside the entrance.

Nang matapos kong mag-fill up ay iniabot ko ito sa kaniya. "Thank you, Miss Cha. Pasok na po kayo, alam mo naman po 'yong office ni Madam Grace, doon pa rin po." He beam at me and bowed his head.

"Uh, Kuya Romel," tawag pansin ko rito. Humarap siya sa akin at itinaas ang dalawang kilay, nagtatanong. "Huwag mo na po akong tawaging miss. Charlotte na lang po." I smiled at him before entering and went straight to Madam Grace's office.

Nadatnan ko roon si Madam Grace na may kausap sa telepono. I knocked the glass wall on her office for her to notice that I was here. Sinenyasan niya akong pumasok. Nang makapasok ay ngumiti agad ako sa kaniya.

"You look good. How are you?" Bungad niya sa akin. Kumuha siya ng papel mula sa gilid ng kanyang table at nagsimulang mag-pirma roon. Napangiti ako, parang dati lang.

"I'm fine, Madam." I took out one invitation from my bag and gave it to her. "My mother wants you to attend her birthday."

She stopped from what she was doing and checked the invitation card. She nodded and looked at me. "Okay, I'll try to go." Ngumiti siya sa akin at pinagsaklop ang dalawang kamay.

"So, I heard you met a guy in Singapore?" Biglang tanong niya sa akin, mas lalo pang ngumiti.

I was shocked by what she said. "Where did you hear that?" I asked, confused.

"Somewhere," nagturo pa siya sa kung saan at mahinang tumawa.

"What's his name again?" Tanong nito.

"Vien?" I said, not sure if she's pertaining to Vien.

Inikot-ikot niya ang swivel chair na inuupuan niya. "What are your plans nga pala? Babalik ka ba ng Singapore para roon na magtrabaho or you'll stay here?" Biglang seryosong tanong niya.

I shook my head and smiled a little. "I am not yet sure, Madam." I said.

We didn't talk too much because someone called her and she told me that she needed to go. Nakasalubong ko sa hallway 'yung mga dati kong katrabaho na nginingitian ko naman dahil break time nila. I even saw some newbies because their faces are not familiar. The scenario right now was the scene that I used to do before.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora