Chapter 39

78 6 0
                                    

"Hindi raw sasama sina Wyne at Jilyn, busy raw sila…"

Isinara ko ang laptop ko at tumayo para kumuha ng tubig sa kusina. Sumunod sa akin si Kuya Charles na nakabusangot ang mukha. Inaayos namin ang gala namin kuno. Gusto niya raw marami kaya isama ko raw sina Wyne pero hindi naman sila pwede dahil may trabaho pa sila.

"Ako nalang hahanap," sabi niya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya.

Tumango lang ako at hinayaan na siya. Matapos 'yon ay naligo ako at naghanda ng mga damit na dadalhin ko para sa bakasyon namin na tatlong araw lang naman.

Next week ay babalik na ako sa Singapore. Mag-t-trabaho lang ako roon for 3 years and after that, I'll stay here in the Philippines. Hindi ko pa nga sigurado kung tutuloy ako. Madam Grace was offering me to stay here in Philippines for work. Ang sabi niya ay kaya naman na raw ni Alvin doon at dito nalang daw ako dahil may mga umalis na raw sa company.

Matapos maligo ay nagbihis ako. I just wore a simple white blouse and a ripped jeans.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Mama nang makita niya akong nakabihis.

"Niyaya ako ni Vien sa despedida party niya, Ma." Sagot ko sa kaniya at nagpaalam na aalis na.

Babalik na sina Vien sa Singapore. Ang sabi nga niya ay pwede raw siyang sumabay sa akin kung gusto ko, ang kaso ay hindi ako pumayag. Makaabala pa ako. I can handle myself. Hindi ko kailangan ng kasama.

When I arrived at Vien's grandparent's house, my mouth automatically opened. Hindi ko inakala na ganito kalaki ang bahay nila. Ang sabi ni Vien ay susunduin niya raw ako sa bahay namin pero tumanggi ako dahil nakakahiya. He said that his parents wants to meet me. We never met back then kaya rito na lang daw sa Pinas.

Pinindot ko ang doorbell at tinawagan si Vien. "Hello?" I greeted him as he answered my call.

"Hi, where are you?" Narinig ko ang ingay mula sa kabilang linya.

"I'm here," I said.

"Okay!" Humina ang ingay, marahil ay papunta na siya rito.

The gate opened and I saw Vien walking towards me. "Hi, let's go inside." Inalalayan niya ako papasok.

Ngumiti ako nang makita ko ang mga kamag-anak ni Vien. Ang dami nila! Mas marami pa sa inaakala ko. Some of them were on the high school level. Halata naman.

"Tita Charlotte!" Tumingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Jia.

"Jia," I said and hugged her. I miss her! Ang tagal na nang huli ko siyang makita.

"Let's go, I'll introduce you to them…" Ani Vien kaya tumango lang ako.

Ipinakilala niya ako sa ibang mga kamag-anak niya. Nakilala ko rin ang parents niya. Tuwang-tuwa sila dahil sa wakas daw ang nakita na nila ako. I also met his grandparents na ang tatanda na pala.

Nang maghapon na ay nagpaalam na ako na uuwi na.

"I'll take you home," nakangiting sabi niya.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya. "Huwag na, it's your party." Inginuso ko ang mga kumpulang tao na naroon sa 'di kalayuan.

He smiled and nodded. "Take care!" He hugged me. Nagulat pa ako roon dahil hindi ako sanay. Ang tagal na naming hindi nagkikita kaya sigurado nagulat ako.

Kinabukasan, ang aga palang ay nandoon na sina Kuya Charles sa bahay. Kaya ang aga ko ring gumising dahil kinatok niya ako! Ayoko pa man din sa lahat ay 'yong ginigising ako.

"Sino-sino kasama natin?" Agad na tanong ko sa kaniya noong matapos kong maligo at bumaba para kumain ng almusal.

"You'll see!" Energetic na sabi niya at niyugyog pa ako.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now