Chapter 2

18.3K 539 26
                                    

Chapter 2 : Meeting again

Misty POV

Nang makauwi na kami, binigay ko na kay nanay ang pinabili niya at ang oreo naman ay kay Faith.

"Thank you Ate!" masayang sabi ni Faith. Kahit kailan hindi ko pa siya nakikitang malungkot. Hindi pa niya alam na hindi totoong nanay niya si nanay. Masyado pa siyang bata para makaranas ng lungkot. Siguro sa tamang edad namin sasabihin sa kanya.

"Ate gusto mo?" tanong ni faith sa akin habang pinapakita sa akin ang oreo. Kumuha ako ng isa at isinubo ng buo.

"Alam mo ba Ate, ang cute nung batang lalaki" biglang sabi ni Faith sa akin.

"Oo nga eh! sarap pisilin ang pisngi. Parang ikaw!" sabi ko sabay pisil ng pisngi.

"Aray! masakit!" binitawan ko na siya at nag sorry sa kanya.

"Ate, may Vampire movie ka?"

"Wala eh. Sa susunod nalang kasi marami pa akong gagawin"

"Okay. Alam mo ba Ate, napanaginipan ko may vampire sa school mo. Kasama mo ako doon sa school mo. Hindi mo alam pero ako ang may alam. May lumapit sa ating vampire pero mabait siya. Hindi tayo kinagat ng Vampire"

"Ikaw ha, kung ano ano na yung napapanaginipan mo. Naaadik ka na ata sa Vampires"

"Yup! sana nga may Vampire na mabait" bigla akong natakot sa sinabi nito. Sana walang vampires dito. Kapag ako nakakita ng ganun, sigurado akong hindi na ako manonood ng twilight. Baka ma trauma ako dun sa sobrang panonood ng ganun.

"Sana wala"

"Bakit naman ate?"

"Kasi minsan ang bampira, sa una lang yan mabait. Pero pagdating sa huli, kakainin tayo nila. Kasi hindi nila mapigilan na huwag uminom ng dugo" nanlaki ang mata ni faith.

"Totoo? Ayoko na pala!" pag iiba niya ng sagot. Dapat lang yun.

***
Nagising ako dahil nagriring ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino at sinagot ko nalang. Im sleepy.

["KYAAAAAAAAAAAHHHHH!"] Napabangon ako dahil sa tili ni Bestie. Siya pala yung tumawag. Aga aga naninigaw. Ano siya alarm clock ko?

"Bakit ang ingay mo? inaantok pa ako"

["Anong inaantok? sabi mo sa akin magkita tayo sa starbucks ng 9am. Nasaan ka na ba? Dont tell me-"] Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil binaba ko na agad at tumakbo sa banyo. Nakalimutan kong pupunta ako sa Vampiral University. 30 minutes nalang ang natitira bago mag 9am. Baka malate pa ako niyan. Mabuti nalang malapit lang ang Starbucks sa amin. Nang matapos na ang lahat, nilagay ko na yung papel sa table namin at lumabas. Yung papel na yun ay sulat para kay nanay.

Nang malapit na ako sa starbucks, nakita ko si Bestie Zoe na nainom ng starbucks. Nang makarating na ako, nakita niya ako kaya pumunta ako sa kanya.

"You are 1 minute late" sabi niya.

"Ang arte mo! 1 minute lang ang late ko galita ka agad" hingal kong sabi.

"Kasi kung pumunta ka dito ng maaga, edi sana hindi ako na bad trip"

"Bakit anong nangyari?"

"Habang na order ako, may natapunan akong lalaki. Ang gwapo sana niya kaso ang sungit niya. Bigla niya akong tinabig tapos nung lumingon ako, wala na siya. Nakaramdam pa ako ng inis at takot dun. Kasi naman hindi kaya multo yun?"

"Nananakot ka ba? grabe natakot ako" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Seryoso ako. Bigla nalang siyang nawala nung tumingin ako sa likuran" napatigil ako sa sinabi niya. Parang may pamilyar na nangyari dun sa sinabi niya. Ah! yung lalaki sa grocery na kasama yung cute na bata.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now