Chapter 39

6.8K 236 2
                                    

Chapter 39 : Human

Zoe POV

Nagising ako at nakita ko ang Red Moon na pinalilibitan ng ulap. Nagsisimula na to.

Bumangon ako at nakita ko si Brent na walang malay.

Teka, ano nga pala ang nangyari kanina?

Una, pinuntahan namin ni Faith si brent tapos biglang nakita ni faith yung red moon tapos hinabol ni brent si faith tapos bigla akong nawalan ng-

Oh my! Nasaan si faith?

Dali dali akong tumingin sa baba ng cave at biglang nanlaki ang mata.

"FAITH!!!" Biglang kumawala ang mga luha sa aking mata nang makita si faith sa baba.

Lumipad ako pababa kesa naman sa bumaba pa ako ng hagdan at dinala si faith sa may clinic.

"F-faith" niyakap ko si faith dahil huli na.

Tinuring ko na rin siyang kapatid dahil palagi siyang nakikipaglaro sa akin noon kapag wala si bestie.

Speaking of bestie, may binanggit nga pala sa akin si faith na kasama nila nina nathan.

Hinalikan ko sa noo si faith bilang pamamaalam at bumaba.

Mga ilang segundo lang at nakita ko ang lima na walang malay rin.

Naaalala ko nanaman yung dating paglitaw ng red moon noon.

Sabi ng iba, may mawawala daw sa lahat ng bampira. Ano kaya ang nawala sa akin?

Ganun pa din naman ang anyo ko at walang nawala.

Hindi ko na muna inintindi yun at dinala si nathan sa may clinic.

Nang maidala ko na si nathan sa clinic, biglang naglaglagan ang mga bato sa may kisame at sa may dingding.

Malapit na atang matapos ang Red Moon. Dali dali kong tinago yung dalawang bata sa may cabinet dahil baka malaglagan sila.

Nang maitago ko na sila ay dali dali akong umakyat sa may rooftop na naging tuktokng cave at lumipad.

Nakikita ko ngayon ang pagguho ng cave at napalitan ng school ulit.

Maya maya ay biglang sumakit ang buong katawan ko at nanghihina.

"AAAAAAHHHHHH!!!" ang sakit talaga! Tapos ang mga blonde kong buhok ay nagiging kulay brown at ilang segundo lang ay nawalan ako ng paglipad kaya nalaglag ako sa lupa.

Brent POV

"Kuya....." Yun ang narinig ko pagkamulat ng aking mata.

"F-faith......" sabi ko at pagkabangon ko ay nasa rooftop ako.

Teka, rooftop? Diba cave to?

Tumingin ako sa langit at nakita kong kulay puti na ang moon.

Tapos na ang Red Moon.

Tinignan ko ang baba at nakita ko silang apat.

Nasaan yung mga bata?

Hinanap ko ang buong school at nakita ko lang sila sa may cabinet sa clinic.

Oo. Pati si faith nandito din. Kaso wala na siyang buhay dahil nabitawan ko nga siya. Dali dali kong nilabas yung dalawa.

May nagtago sa kanila panigurado. Sino kaya?

Si zoelle ata ang nagtago dito. Pero nasaan siya?

Mamaya ko nalang yun intindihin at kailangan kong linisin si faith dahil duguan siya at ayoko ng amoy niya.

𝗩𝗨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon