Chapter 14

10.1K 318 10
                                    

Chapter 14 : Confirmed

Misty POV

Uwian na sa wakas! Excited na akong umuwi. Bumaba agad ako sa third floor para kunin ang mga gamit ko. Pwede na kasing umuwi.

"Misty!" lumingon ako kay prudence na ngayon ay nasa harapan ko na.

"What?" cold kong tanong. Pero Joke lang yun! hindi ako nagtatanim ng sama ng loob no! Madaya kasi sila eh. Ayaw nilang ipakita ang kapatid ni brent.

"Uy sorry na! kasi naman talagang may gagawin kami bukas dito. Busy kasi kami dahil may activities tayong gagawin" sabi niya habang inaalog ako.

"Okay. Basta ipapakita niyo sa akin kapag may time na kayo. Tsaka nga pala pakisabi na dun sa dalawa na aalis ako. Baka sa sunday na ako bumalik" tumango naman siya.

"Misty, pwede ba akong sumama?" nabigla ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba to?

"Sa amin? Huy! bampira ka, tao ako. Baka patayin ka dun"

"Ang OA mo! syempre magdidisguise ako na parang tao. Tsaka papaitimin ko ang katawan ko para naman hindi nila ako mapagkamalang patay sa sobrang putla" sabi niya sa akin. Papayagan ko ba?

"Sige na nga! Basta huwag kang magpapahamak dun ah!" ngumiti siya tsaka pumasok sa loob ng kwarto. Naexcite ata ang bruha.

Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto. Kinuha ko lang ang cellphone ko tsaka yung binigay sa akin ni prudence. Tapos yung mga importanteng gamit lang. Hindi na ako magdadala ng damit dahil may damit pa naman ako sa bahay. Lumabas na ako ng kwarto.

"WAAAAAHH!!" Halos atakihin na ako dahil sa itsura ni Prudence. Ang bilis naman nitong maglagay. Hindi naman siya maitim talaga. Parang yung kulay lang ng mga tao. Napansin ko pa ngang mas maputi pa ako sa kanya. Baka ako pa ang mapagkamalang patay. Bakit ba kasi namutla ako ng ganito?

"Ang bilis mo naman! Pero ang ganda mo pa rin kahit ganyan ka" sabi ko sa kanya.

"Halika na!" excited talaga siya. Pero bago kami umalis, tumigil ako. Tumigil din siya.

"Teka, paano ka nakapaglagay ng ganyan eh wala naman kayong reflection sa salamin? Ang galing mo naman kasi walang kulang ang lagay mo sa katawan at sa mukha" sabi ko sa kanya. Tinaas niya yung necklace na suot suot niya.

"Itong necklace na to ang nagbibigay reflection sa mga bampira. Kapag sinuot ko to, magkakareflection na ako sa salamin"

"Edi wow! Kayo na ang may ganyan" sabi ko.

"Punta muna tayo dun sa dalawang yun. Di pa ako nagpapaalam" sabi niya tapos kinaladlad niya ako papuntang elevator.

***
"Woah! anyare sayo Prudence?" bungad nung dalawa sa amin ng makarating kami sa kwarto ni Aleister. Nandun sila pareho.

"Sasama kasi ako kay Misty sa bahay nila. Kaya nagdisguise ako na tao. Kaya kami nandito para sabihin yun sa inyo" sabi niya.

"Uy sama kami!" sabay nilang sabi. Ano ba naman yan parami kami ng parami.

"Ok basta gayahin niyo yung ginawa ni Prudence. Si Brent okay na kasi hindi naman siya masyadong maputla" sabi ko.

***
"Wow! ang ganda naman ng mga damit dito!" sabi ni prudence habang nagtitingin ng mga damit sa mall. Oo, na sa mall kami. Kasi naman nadaanan namin yung mall eh yun lang ang daan papunta sa bahay ko. Eh nabighani naman tong dalawa. Hindi pa daw sila nakakapunta dito kaya dito kami napadpad.

"Lei anong mas maganda, Ito o ito?" sabi ni Prudence habang may dalang dress na kulay black at blue.

"Bakit mo ko tinatanong? Busy ako! kay brent ka nalang magtanong o kaya kay misty" sabi ni aleister habang naghahanap ng damit.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now