Chapter 9

11.8K 371 5
                                    

Chapter 9 : Amnesia

Misty POV

Nakakalungkot pala ang storya ni Brent. Perehas lang kami. Ang pagkakaiba lang namin ay may kapatid akong kilala.

"Misty, kukuha lang ako ng dugo. Ubos na kasi eh" sabi ni Prudence at tumayo siya sa ikinauupuan niya.

"Misty?" nagulat nalang ako dahil nagsalita si Brent.

"Pangalan ko yun. Bakit?" sabi ko sa kanya.

"Nothing" sabi niya tsaka sumubo ng chips. Tinignan ko naman si Aleister na ngayon ay nakatitig kay Brent.

"Hoy Al, baka matunaw ako sa kakatitig mo" napaiwas naman ng tingin si Aleister.

"Wait, did you just call me Al?"

"Bakit? Masama ba? Edi Lei nalang" sabi ni brent tsaka uminom ng juice. Mabuti nalang hindi dugo ang iniinom niya.

That name reminds me something. Pero hindi ko alam kung saan. Basta may narinig na akong ganung pangalan. Bigla nalang sumakit ang ulo ko.

"Araay! ang sakit" sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

"Uy okay ka lang?" sabay na sabi ni Brent at Aleister. Tumango nalang ako bilang sagot. Biglang umilaw yung bracelet ko. Pero kulay yellow ang lumabas.

"Aleister, anong ibig sabihin ng yellow?" tanong ko kay Aleister.

"Ibig sabihin niyan, nagsisinungaling ka sa amin" napanganga nalang ako sa sinabi niya. Biglang sumakit ulit ang ulo ko.

"Tignan mo. Masakit pa rin. You're lying" sabi niya.

"Pupunta akong clinic. Pakisabi nalang kay Prudence" sabi ko tsaka tumayo na ako.

"Sama ako" lumingon ako sa nagsalita. Si Brent.

"Sige" sagot ko. Tumayo na rin siya at sumunod sa akin.

***
"Wala ka bang sakit o ano?" tanong nung nurse sa akin.

"Hindi ko po alam eh. Maayos naman po ako tsaka puro gulay naman ang kinakain ko" sagot ko.

"Wala ba talaga? Kasi kung wala, baka headache lang yan. Kaso yung nangyayari sayo, sabi mo sobrang sakit"

"Wala naman po talaga"

"Wala talaga? as in kahit nung bata ka pa?" napaisip ako doon sa sinabi niya. Wala kasi akong maalala nung bata pa ako. Hindi kaya may sakit ako nung buhay pa ang totoong nanay at tatay ko?

"Hindi ko po kasi maalala kung may sakit ako nung bata pa ako. Wala po kasi akong matandaan nung bata pa ako"

"Hindi kaya may amnesia ka?"

"Ha? wala naman pong sinabi sa akin si nanay kung may amnesia ako. Kaso wala na ang totoong nanay at tatay ko. Paano ko malalaman? baka kasi sila ang may alam nun"

"Baka nga may nangyari sayo nung bata ka pa. Kaso hindi mo alam kung ano yun"

"Ahh okay. Sige aalis na kami" tumayo na ako.

"Ano daw yun?"

"Ay kabayo!" nandito nga pala si Brent. Nakalimutan kong kasama nga pala siya.

"Anong kabayo? bampira hindi kabayo" sabi niya sabay lagay ng headset.

"Sorry naman! hindi ka kasi naimik kanina kaya akala ko umalis ka na" sabi ko.

***
"Uy Misty! Okay ka na ba?" sabi ni Prudence habang hinahawakan ang ulo ko.

"Huwag mo ngang hawakan ang ulo ko. Baka mamaya sumakit ulit yan. Tsaka okay na ako" sabi ko habang inaalis ang kamay niya sa ulo ko.

"Bakit kasi bigla nalang sumakit ang ulo mo?"

𝗩𝗨Where stories live. Discover now