Chapter 30

7.2K 243 7
                                    

Chapter 30 : Fully vampire

Misty/Megan POV

Nakikipagkwentuhan ako ngayon kay Ate Leslie.

Marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Nakakatuwa nga siya dahil ang dami niyang sinasabing jokes sa akin.

"Uhmm ate leslie, may kaibigan ba ako nun?" Tanong ko. Imposible naman atang siya lang ang bestfriend ko.

"Ah eh...Nasa ibang bansa yung mga kaibigan mo. Alam naman nilang kaya ka nandito para magpagaling sa amnesia mo. Yun nga lang, hindi mo na sila kilala" sabi niya.

Nalungkot ako. Paano na yan, hindi ko na sila kilala. Tapos wala pa ako sa bansa nila.

"Dont worry, marami pa namang tao dyan na pwede mong maging kaibigan" sabi niya at ngumiti.

"Pwede ba akong lumabas?" Tanong ko. Gusto kong makita ang labas ng bahay na to. Tapos South Korea pa to. Sabi niya kasi may winter daw dito.

"Sige samahan kita" tumayo na kami at nag suot pa kami ng jacket, gloves, boots at kung ano ano pang suot para hindi kami lamigin sa labas.

Pagkabukas ko ng pinto ay bigla akong nanginig. Ang lamig pala sa labas! December ba ngayon?

Nagpasyal kami ni Ate leslie. Ang dami naming dinaanang shops. Binili niya akong ibat ibang damit.

Tapos dumaan kami sa parlor. Mahaba na daw kasi ang buhok ko kaya pinutulan ng konti.

Tapos dumaan naman kami sa isang school?

"Ate, bakit nandito tayo? Ilan taon na ba ako? Nag aaral pa ba ako?" Sunod sunod kong tanong.

"Easy Megan! You are eighteen years old! Ito ay school kung saan matututo ka ng mga Korean words. Kung sakaling may kausap kang koreano, you can understand them"

"Eighteen na ako? Bat hindi manlang ako nagdebut?" Tanong ko.

"Sorry megan, pero hindi ako nakapaghanda para sa birthday mo. Remember, you slept for two years" sabi niya.

"I understand..."

"Tara na! Punta na tayo sa loob" hinila na niya ako papasok sa loob.

Prudence POV

"Ano kayang nangyayari kay Prudence?"

"Di ko alam, its been two years na ganyan siya"

"I miss her being a happy person"

"Hindi kaya gawa nung nawawala yun babaeng nerd noon?"

"You mean si Misty?"

Hate that conversations! Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok sa loob ng kwarto ko.

Haaaaaay! Namimiss ko na si misty. Saan na kaya siya?

Kung pwede lang sana akong tumulong sa paghahanap kaso sabi ng parents ko huwag ko daw sirain ang grades ko para dyan. Kahit din si Kuya Luke ay pinagbabawalan.

Minsan pala nakakamiss ang pagiging happy go lucky ko. Sa loob ng kwarto ka nalang ata nagagawa yun. Pero minsan lang.

May kumatok sa pinto ko.

"Pasok" bumukas yung pinto at bumungad sa akin si kuya luke.

Kung nagtataka kayo kung bakit dyan siya pumasok at hindi sa bintana katulad nang dati, kasi nagseseryoso na sa buhay ang kuya ko. Ngayon ay may konting galit siya sa parents namin. Dahil nga sa hindi kami pinayagan.

"May balita na daw ba si Aleister?" Umiling ako.

Pumasok na siya at sinara yung pinto. Umupo siya sa tabi ng kama ko.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now