Chapter 40

8K 242 7
                                    

Chapter 40 : Where is it?

Misty POV

After 5 years......

"Nathan catch!!!!" sabi ko sabay hagis ko sa kanya ng tubig niya.

"Thanks Ate!!! Mamaya laro ulit tayo basketball" sabi niya sabay lagay ng tubig sa bag niya. Malapit nang grumaduate si nathan. Mahilig siyang maglaro ng basketball kaya nag aaya siya kanina. Lumabas na siya sa kwarto niya at ako naman ay nilinis ang kwarto niya.

Naaalala ko nanaman ang kwarto ko noon dito. Room 342.

Ang daming nagbago sa school na ito dahil sa gusto kong baguhin. Ako na kasi ang nagpapatakbo dito sa VU. Pinasa na sa akin ni Tita Natalia dahil sa akin naman daw talaga to.

Nagkaroon na dito ng High School di katulad ng dati na College lang meron dito. Dito nga nag aaral si nathan ehh.

Nang matapos ko nang linisin ang kwarto niya ay lumabas na ako. Pagkalabas ko ay nakita ko si Prudence na kasama si Aleister.

"Yiiiieeee! kayo ah! HHWW kayo ah!" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Huwag kang bitter Misty! Porket NBSB ka gumaganyan ka. Pag nagkatuluyan kayo ng kuya ko, aasarin din kita. Bat kasi ayaw mo pa siyang sagutin? FYI mag iisang taon na siyang nanliligaw sayo tapos hindi mo pa sinasagot" sabi ni prudence sa akin.

"Eh sa hindi pa ako ready!" sigaw ko.

"Kailan ka ba magiging ready? kapag namatay na si luk- aray! nagbibiro lang naman!" sabi ni aleister sabay himas sa batok. Binatukan siya ni prudence. Pinagtatanggol niya si Luke.

"Bahala kayo dyan. Punta lang akong office" sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin dahil sa nag sisigawan sila. Anong klaseng relasyon yan? Imbis na maglambingan eh nagawa pa sila ng world war 3 ehh. Kaya hindi ko masagot si Luke.

2 years na silang magkasintahan. Pero puro world war 3 lang ang nakikita ko sa kanila. Minsan lang maglambingan yang dalawang yan.

Minsan nga ay nagtapat sa akin si prudence na hindi daw siya first love ni aleister kundi ako! Halos mabilaukan ako kahit hindi ako kumakain dahil sa nalaman ko yun. Pinsan ko siya kaya bakit naman siya maiinlove?

Nang makarating ako sa office ay umupo na ako para ayusin ang mga papeles dito.

Haaaaaaay!!!! Dami naman nito.

Nang matapos ko na ay binagsak ko ito sa desk ko at nag unat.

Nang iniunat ko yung paa ko ay nagulat ako nang may umaray!

"WAAAAAAHHH!!! May tao" sabi ko at sinipa ko yun.

"ARAY naman misty!!!"

"Luke?" tumungo ako at nakita si luke sa ilalim ng desk ko.

Umalis siya sa ilalim at ngumiti sa akin.

"Grabe ka naman! Naghintay ako dito ng kalahating oras tapos sisipain mo lang ako sa gwapo kong mukha" sabi niya sabay hawak sa mukha niya.

"Sino bang nagsabi sayong magatago dyan?"

"Sina Aleister at Prudence. Sabi nila kapag nagtago daw ako dito, isurprise daw kita dahil nga sa Birthday mo ngayon" nanlaki ang mata ko at tinignan ang kalendaryo.

"Happy 23rd birthday Misty my loves!!!" sabi niya at bigla siyang pumunta sa likod ko.

"Anong gagawin m-" bago ko pa matapos ay may kung anong malamig na bagay ang dumampi sa leeg ko.

Hinawakan ko iyon at napagtanto kong isa siyang necklace na may pendant na kalahating heart.

"Gift ko yan sayo. Para parehas tayo" sabi niya sabay turo sa necklace niyang may pendant din ng kalahating heart.

𝗩𝗨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon