Chapter 17

9.6K 284 7
                                    

Chapter 17 : Sacrifice

Misty POV

Pumunta kami sa kwarto ni Prudence. Nakita namin siya na lumabas sa kwarto niya. Bakit kaya nawala yun?

Nilapitan namin siya. Napansin niya ata kami kaya lumingon siya sa amin.

"Hoy Prudence! Bakit bigla kang nawala dun?" tanong ni Aleister pagkalapit namin doon.

"Ha? eh ano...kasi nakakatakot yung bampira eh! Hehe" sagot niya at ngumiti ng pilit.

"Anong natakot? Kalahi naman natin yun ah! bakit ka naman matatakot?" tanong ni brent.

"Eh kasi ano-"

"Problem?" pagputol ko sa sasabihin niya.

"W-wala naman. Okay lang naman ako" sagot niya. Ayaw niya talagang sabihin.

"Sabihin mo na. What are friends for?" tanong ko. Bumuntong hininga siya.

"I know him" is he referring to Luke? O_o

"Ano? kailan pa? bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Aleister.

"Matagal na. Natatakot kasi ako kapag sinabi ko sa inyo baka palayuin ako nun sa inyo"

"Bakit? sino ba siya para palayuin sa amin?" sabi naman ni brent.

"*sighs* sasabihin ko na nga sa inyo. Quinn din siya. Kuya ko siya" Nanlaki naman ang mata namin dun. Sinakal pala ako mg isang Quinn. Tapos sinira pa niya yung bracelet. Mabuti nalang unti unti akong nagiging bampira kundi dead na ako sa mga bampira dito.

"May pinaplano yun noon pa. Dinadamay pa nga niya ako. Pinapalayo pa nga ako nun sa mga Collin na katulad niyo. Pero hindi ko siya sinunod. Kaya ang parusa ko ay ito" bigla niyang tinaas ang manggas ng t shirt.

Bumungad sa amin ang isang scar doon.

"Teka, bakit hindi humilom yung sugat mo?" tanong ko.

"Ang ginamit kasi niya ay pilak kaya hindi siya gumaling" sagot niya.

"Nga pala misty, ano yung sinasabi ng kuya ko na kakaiba ka daw? Yung mata mo daw, iba" bigla kong naalala yung kanina. Bakit kaya iba yung kulay ng mata ko sa kanila?

"Napansin rin namin yun kanina. Iba talaga yung kanya" sabi naman ni brent.

"Diba nga siya na ang kapalit ko. Naging ganyan din yung mata ko kapag nagagalit ako. Pero yung kanya iba. Kahit hindi pa siya nagagalit, ganyan na agad yung mata niya" paliwanag ni Aleister. Kaya pala.

Bigla nalang sumulpot si Ma'am este Tita Natalia.

"Nasaan na yung lalaking yun? Nahuli niyo ba? Ang dami niyang pinatay! Yung iba sugatan lang. Nasa clinic sila" sabi niya.

"Tita, ako na po ang magsosorry sa ginawa niya" biglang sabi ni Prudence.

"Huh? Bakit naman ikaw ang magsosorry? Wala ka namang ginagawa" sabi niya.

"Kasi po, Kuya ko po siya. Talagang ganyan na yan. Gusto po niya kasi na maagaw ang lakas ng mga Collin" sabi niya at yumuko. Nakita kong nagulat si Tita Natalia.

"Okay lang yun Prudence. Hindi ikaw ang may kasalanan" sabi ni Tita.

"Pasenya na po talaga Tita. Ayaw niya po kasi magpaawat eh! Pati nga po ako dinadamay nun" sabi niya.

"Punta tayo sa clinic" sabi ni Brent kaya tumango nalang kami at pumunta doon sa Clinic.

Aleister POV

Habang papunta na kami sa clinic, lumapit ako kay mama.

"Mama, nasabi ko na kay Misty na pinsan ko siya" nanlaki naman ang mata niya.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now